Ito ang Sikreto ng Mag-asawang Sina Charlene Gonzales at Aga Muhlach sa Matatag na 18 Years of Marriage!

Ipinagdiwang nina Aga Mulach at Charlene Gonzalez ang kanilang 18 na taon bilang mag asawa kamakailan lamang. Para maalala ng dalawa ang kanilang anibersaryo, nag post ng mga matatamis na mensahe ang mag asawa sa kani-kanilang Instagram accounts.

Ibinahagi ni Gonzalez ang kanilang actual wedding photo noong nakaraang halos 18 taon. Pinasalamatan ng aktres ang kanyang asawa sa mahigit 18 taon nilang pagmamahalan sa isa’t isa at sa matatag na relasyon.




(COURTESY: www.instagram.com/itsmecharleneg)

“The love of my life. Thank you for the 18 years of love and happiness. I love you, B. Happy Anniversary.” Ito ang mensahe ni Charlene sa kanyang asawa. Habang si Aga naman ay nagbahagi din ng litrato na may caption na, “18 years today. Happy Anniversary, my love! Went by so fast! Thank you for you!”

(COURTESY: www.instagram.com/agamuhlach317)




Ibinahagi din nila ang susi para sa matatag na relasyon sa isang interview. “Believe it or not, the moment that we wake up at 5:30 in the morning, aside from eating, we talk a lot,” Gonzalez said.

(COURTESY: www.instagram.com/itsmecharleneg)

Dahil para kay Charlene, ang pakikipagusap ng madalas at maayos na komunikasyon ay isang importanteng factor sa lahat ng relasyon upang mas magiging matatag ang pundasyon nito.

(COURTESY: www.instagram.com/itsmecharleneg)



Nag papasalamat si Aga Mulach na madami siyang nakalaan na oras para sa kanyang pamilya sa kadahilanang hindi siya ganun ka-busy sa trabaho. Okay na daw sya sa isang proyekto na ginagawa nya sa ngayon, na kung saan pinakaka-ingatan nya ang bawat memento na binibigay nya sa kanyang asawa at kanyang mga anak.

(COURTESY: www.instagram.com/itsmecharleneg)

Noong tinanong siya sa isang press kung ano ang pwedeng advice ang maibibigay niya para sa mga mag asawang gusto makamit ang matatag na relasyon, sinabi niya na wala talagang sikreto.



“Just keep on reminding yourself that you’re gonna save it,” sabi ng aktor.

Ang dalawa ay ikinasal noong May 28, 2001 sa Baguio City, at ngayon ay meron silang dalawang anak na kambal na sina Atasha at Andres.