Ayon kay “Gigil Kid” na si Carlo Mendoza, Si Vice Ganda ang Nagpapaaral sa Kaniya Hanggang Makapagtapos ng Grade 6!

Kilala niyo ba si Carlo Mendoza? Sumikat siya sa telebisyon matapos maging viral ang video na inupload sa Facebook kung saan ipinagtatanggol niya ang kaniyang mga kapatid. Marami ang nakakita ng nasabing video at isa na nga rito ang popular na komedyante at host na si Vice Ganda.




Tuwang-tuwa si Vice sa pagiging bibo ni Carlo kaya naman inimbitahan niya ito para mag-guest sa kaniyang evening show na “Gandang Gabi Vice”. Dito ay muling pinasaya ni Carlo ang publiko nang ipamalas niya ang galing sa pag-arte at pagiging natural nito sa harapan ng camera.

(Courtesy: www.google.com)

Dahil nga sa angkin niyang talento ay tinagurian siyang “Gigil-Kid” at matapos ang guesting na ito ay sunod-sunod na ang paglabas niya sa ilang programa ng ABS-CBN kagaya na lamang ng “Magandang Buhay”. Dito ibinahagi niya ang totoong kwento ng kaniyang buhay sa likod ng viral video at sinabing naghiwalay nga ang kaniyang mga magulang at sa kasalukuyan ay nakatira siya sa kaniyang ama kasama ang kaniyang mga kapatid.




(Courtesy: www.google.com)

Naibahagi rin ni Carlo sa nasabing programa kung gaano siya kasaya at lubos na nagpapasalamat sa tulong at pagmamahal na ipinapakita sa kaniya ni Vice Ganda. Sa katunayan ay “Mama” na ang tawag nito sa komedyante dahil dito niya naramdaman ang tunay na kalinga ng isang ina. Maliban dito ay isiniwalat rin ni Carlo na sagot di umano ng host ang kaniyang pag-aaral hanggang siya ay makapagtapos ng Grade 6.


(Courtesy: www.google.com)
(Courtesy: www.google.com)


“Si Mama Vice (Ganda), kasi nanay ko na po siya. Kasi mabait po (siya). Kahit ano pong hilingin ko, ibinibigay niya po,”kwento ni Carlo sa mga host ng Magandang Buhay.





Tunay ngang mapagbigay at matulungin si Vice Ganda sa mga taong alam niyang nangangailangan ng tulong at deserving na tulungan kagaya ng pamilya ni Carlo Mendoza. Samantala, sa kabila nito ay patuloy pa rin sa paghahanapbuhay si Carlo na naging parte ng palabas na “Ang Probinsiyano” at kung wala namang mga raket sa showbiz ay tinutulungan nito ang ama sa pagbebenta ng balut at iba pang pagkakakitaan.Sa ngayon ay nakatapos na ng Grade 1 si Carlo at pinagbubutihan ang kanyang pag-aaral.