Estudyanteng Muslim Ibinahagi ang Kaniyang Karanasan sa Isang Katolikong Paaralan

Ang relihiyon ay isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan at paghihiwa-hiwalay ng mga tao sa ating lipunan. Ito ay dahil na rin sa iba’t-ibang paniniwala at pananaw natin patungkol sa Maykapal at sa iba pang mga bagay sa ating paligid kagaya na lamang ng mga paniniwala at tradisyon na sinusunod simula pa noong unang panahon. Ang dalawang relihiyon sa ating bansa na talaga namang magkaibang-magkaiba ay ang Kristyanismo at Islam, at sa katunayan ay nagtayo ang mga ito ng kani-kanilang paaralan kung saan itinuturo rin doon ang kanilang mga paniniwala nila upang nang sa ganoon ay hindi ito mawala sa kanilang kultura.




Isang estudyanteng muslim nga ang nakaranas ng panghuhusga mula sa ibang tao nang magdesisyon siyang mag-aral sa isang katolikong paaralan. Nakilala ang estudyante bilang si Jomana Lomangco at lumaki siya sa pamilyang Muslim at simula bata pa lamang ay isinasapamuhay na niya ang mga kagawian ng kanilang relihiyon kaya naman marami ang nagtaka sa kaniyang desisyon. Ang ilan pa nga ay nagsabing baka maging Kristiyano na siya matapos ang limang taong pamamalagi sa paaralan.

(COURTESY: facebook.com/JomanaLomangco)

(COURTESY: facebook.com/JomanaLomangco)



May takot man sa una ay naging buo ang loob ni Jomana dahil na rin sa suporta at tiwala na ibinigay sa kanya ng kaniyang mga magulang kaya naman natuloy ang pag-aaral niya sa Unibersidad ng Santo Tomas, isang prestihiyosong paaraalang katoliko sa ating bansa. Noong una ay mayroon siyang kaba sa dibdib na baka hindi siya mapakisamahan ng maayos ng mga tao sa paaralan dahil sa kakaiba niyang kasuotan na kahit saan siya magpunta ay makikilala siya bilang isang Muslim, ngunit taliwas sa kaniyang iniisip ang nangyari.

(COURTESY: facebook.com/JomanaLomangco)

(COURTESY: facebook.com/JomanaLomangco)




Simula sa unang araw niya sa kolehiyo hanggang sa pagtatapos kahit minsan hindi niya naranasang ituring na ibang tao ng kaniyang mga guro, kamag-aral at ng ilan pang mangagawa sa nasabing paaralan. Ito ang naging dahilan upang magbahagi siya ng kaniyang kanasan sa Facebook at ito ang ilan sa kaniyang mga sinabi:

” I have learned many things throughout my stay, but this I will remember in my whole life. To be of a certain fath, may it be Christianity or Islam, is to be HUMAN. And to be human is to respect and accept each other in spite of the difference in our beliefs.”

(COURTESY: facebook.com/JomanaLomangco)

(COURTESY: facebook.com/JomanaLomangco)




Tunay ngang hindi dapat gawing batayan ang pagkakaiba ng relihiyon at paniniwala upang mag-iba ang ating pakikitungo sa ating kapwa at ang pinakamahalaga sa lahat ay marunong tayong rumespeto anuman ang estado ng ating pamumuhay, pinag-aralan o relihiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *