Siya ang Napaka-gwapong Apo at Isa rin na Tagapagmana ni Willie Revillame!

Si Willie Revillame ay talaga namang isa sa mga showbiz personalities na nag-umpisa sa payak na pamumuhay hanggang sa makapasok sa mundo ng show business kaya naman maraming kababayan natin ang napamahal na sa kaniya lalo noong magsimula siyang maging host ng isang Gameshow kung saan maraming tao ang kaniyang natulungan na makaahon sa hirap ng buhay. Marami rin ang nagsasabi kung gaano kayaman ang host at aktor kaya naman ang ilan sa kanila ay hindi mapigilang magtanong kung mayroon bang magmamana ng mga kayamanang ito gayong wala siyang karelasyon sa kasalukuyan.



Para sa mga hindi nakakaalam, mayroong anak si Willie Revillame sa kapatid ni Maricel Soriano na si Bec-Bec Soriano at nagkaroon sila ng anak na pinangalanang Meryll Soriano. Naging artista rin si Meryll at napanood ng publiko sa iba’t ibang palabas sa telebisyon at mga pelikula. Huli siyang napanood sa palabas na “La Luna Sangre” ng ABS-CBN at hindi na muli pang naging aktibo sa mundo ng show business dahil mas pinagtuunan niya ng pansin ang pagiging ina sa apo ni Willie na si Elijah Palanca.

(courtesy: www.google.com)



Napangasawa noon ni Meryll ang ama ni Elijah na si Bernard Palanca ngunit makalipas ang anim na buwan ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan at parehong nagdesisyon na maghiwalay at tapusin ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Ganoon man ang nangyari ay nagawa paring maipadama ni Meryll kasama ng kaniyang pamilya at ni Willie Revillame ang pagmamahal at kalinga na kailangan ni Elijah habang siya ay lumalaki.

(courtesy: www.google.com)

Sa kasalukuyan ay isa ng binata si Elijah at maraming netizen ang talaga namang humahanga sa kaniya dahil sa kaniyang kagwapuhan. Sakatunayan ang ilan sa kanila hindi nila maiwasang sabihin na sana ay pumasok rin ito sa mundo ng show business kagaya ng kaniyang lolo at mga magulang.



(courtesy: www.google.com)

Ngunit mukhang hindi pagiging artista ang nais pasuking career ni Elijah dahil sa murang edad ay ipinamamalas na nito ang galing sa pagsusulat ng mga story script na maaring magamit sa mga pelikula. Suportado naman ni Meryll ang anak sa kahit na anong naising gawin nito sa kaniyang paglaki at bilang respeto naman ni Elijah sa kaniyang ina ay proud na proud niyang ipinapakita sa social media kung gaano niya ito kamahal.




(courtesy: www.google.com)

Hindi malayong maging isang tagapagmana ng mga kayamanan at properties ni Willie Revillame ang kanyang apo na si Elijah pagdating ng panahon dahil malapit din ang bata kay Willie at makikita ang kanilang closeness sa ilang mga larawan kasama ang ina na si Meryll Soriano.