Ang Dating Child Actress na si Angeli Gonzales, Nakapagtapos ng Medicine Ngayon!

Kilala niyo pa ba si Angeli Gonzales? Isa siya sa mga artista ng ABS-CBN network at nag-umpisa siya sa kaniyang career sa show business noong siya ay anim na taong gulang pa lamang. Ilan sa mga palabas na kaniyang pinagbidahan ay ang ‘Home Along Da Riles’, ‘Luv U’, ‘Got To Believe in Magic’ at ‘Maalaala Mo Kaya’.






Nagumpisa man bilang artista sa murang edad ay alam ni Angeli ang kahalagahan ng edukasyon dahil ito ang ipinamulat sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Ito din ang naging dahilan kung bakit wala siyang gaanong palabas at pelikula dahil pinapayagan lang siya na gumawa ng shooting kapag walang pasok. Sa kabutihang palad ay naunawaan naman ito ng network maging ng mga producer ng palabas kaya nakakapag-focus siya sa kaniyang pag-aaral.

(Courtesy: www.instagram.com/kayeangelii)

Kamakailan lang ay ginulat ng dating aktres ang publiko nang ibahagi nito sa kaniyang Facebook account na siya ay isa ng doctor!

(Courtesy: www.instagram.com/kayeangelii)
(Courtesy: www.instagram.com/kayeangelii)




Nag-aral siya sa De La Salle Medical and Health Sciences Institute sa Cavite at kinuha ang kursong MD Outstanding Clinical Clerk, Family and Community Medicine. Marami ang nagulat at nagtatanong kung bakit mas pinili niyang mag-aral ng pagiging doctor samantalang maganda naman ang takbo ng kaniyang trabaho bilang artista at ito ang naging sagot ni Angeli:

(Courtesy: www.instagram.com/kayeangelii)
(Courtesy: www.instagram.com/kayeangelii)





“So bakit nga ba ako nagdoktor? Hindi ko talaga alam. Some days it was a constant struggle to stay in the hospital and work, knowing what I turned my back on…Kaya ako nag-doktor para sa mga pasyente ko. I wanted to become a doctor for my future patients. And I consider myself lucky because I am able to pursue a dream that may be the key for other people to be able to pursue their own.”

(Courtesy: www.instagram.com/kayeangelii)
(Courtesy: www.instagram.com/kayeangelii)
(Courtesy: www.instagram.com/kayeangelii)



Ilan lamang iyan sa mga salitang nabanggit ng dalaga sa kaniyang ika nga ay mala-valedictorian na speech sa pamamagitan ng Facebook post. Pinasalamatan niya rin lahat ng tao na naging daan para mahubog ang kaniyang pagkatao at maging matapang sa pagharap sa laban ng buhay. Siyempre hindi mawawala ang malalambing niyang salita sa kaniyang mga magulang, pamilya at mga kaibigan na pinanghugutan niya ng lakas at inspirasyon para matapos ang kaniyang pag-aaral bilang doctor.

Saludo kami sayo Angeli at nawa’y patuloy kang maging inspirasyon sa nakararami habang inaabot mo ang iyong mga pangarap.