Si Juan Carlos Ramirez Cuenca o mas kilala ng publiko bilang si “Jake Cuenca” ay isa sa mga magagaling na aktor sa industriya ng show business. Ipinanganak siya noong ika-30 ng Disyembre taong 1987 sa Estados Unidos at nagsimulang maging modelo bago nag-artista noong taong 1997. Marami na siyang nagawang pelikula at mga palabas sa telebisyon simula nang makilala ang kaniyang galing sa pag-arte at sa katunayan ay marami na rin siyang natanggap na mga paranggal kagaya na lamang ng Best Actor award noong 2016 World Cinema Festival na ginanap sa Brazil para sa indie film niyang “Mulat” sa direksiyon ni Marian Diane. Dahil sa magandang takbo ng karera bilang artista ay marami na ring naipundar si Jake Cuenca at isa na nga rito ang condo unit niya sa Mandaluyong.
Ayon sa pagbabahagi ng aktor, bumili siya ng dalawang condo unit, isang one-bedroom at isang two-bedroom. Pina-renovate niya ito at ginawang isang unit dahil gusto niya ng malawak na lugar. Ayon pa sa aktor, gusto niya ring gawing panglalaki ang interior design ng kaniyang condo unit at sa halip na maghanap ng mga disenyo sa internet o magazines ay hiningi niya ang tulong ng mga kilalang interior designers na si Leni Llapitan ng R.A. Leveriza & Associates, ang architectural firm ng kaniyang lolo.


” Ito yung nararamdaman kong gusto ko. Something masculine, something na alam mo iyong lalaking-lalaki. Iyon ang sinabi ko do’n sa nag-i-interior, and naintindihan naman niya ang gusto ko,”pahayag ng aktor sa isang panayam.
Makikita nga sa ilang larawan na ibinahagi ni Jake Cuenca na panglalaki ang theme ng kaniyang condo unit.

Sa kaniyang sala ay mayroong isang gray na couch, flat screen TV at kulay itim na floor mat.

Para naman makatipid sa espasyo ay hindi na nagpagawa ng dining area ang aktor sa halip ay pinalagyan nalang din ng maliit na mesa ang kaniyang kusina nang sa ganoon ay pwede na siyang kumain doon.

 Ang talaga namang pinaghandaan niya ng espasyo ay ang Master’s bedroom at mayroon pa itong kapares na Master’s Bathroom. Isa pa sa pinaglaanan niya ng espasyo ay ang kaniyang walk-in closet kung saan nakalagay ang kaniyang collection ng mga sapatos pati na rin ang iba’t ibang uri ng damit na kaniyang nabili.


Tuwang-tuwa ang aktor sa kinalabasan ng kaniyang naipundar na condo unit at masaya siyang makita ang bunga ng kaniyang sipag at dedikasyon sa trabaho.

Sa ngayon ay patuloy ang mga pelikula ni Jake Cuenca at siya ay masaya sa kanyang buhay kasama ang kasintahan na si Miss International 2016 na si Kylie Verzosa.