Tignan ang Simpleng Bahay Kubo at Taniman ng mga Gulay ni Coco Martin!

Si Rodel Luis Nacianceno o Coco Martin ay talaga namang isa sa mga hinahangaan at kilalang artista sa kasalukuyan lalo pa at maganda ang nagiging takbo ng matagal ng umi-ereng palabas sa telebisyon na “Ang Probinsiyano”. Kaya naman hindi nakakapagtaka na maging usap-usapan siya ng ibang tao dahil sa angkin nitong galing sa pag-arte. Maliban dito ay naging viral din sa internet ang balitang nagmamay-ari siya ng isang hardin at madalas siya mismo ang nagtatanim at nagdidilig sa ng mga halaman.

(Courtesy: www.instagram.com/mr.cocomartin)





Ang balitang ito ay ibinahagi mismo ng aktor sa kaniyang Instagram account na @mr.cocomartin kung saan makikita ang mga luntiang gulay na halos lahat ay makikita sa kantang “Bahay-Kubo”. Ilan nga sa mga gulay na kaniyang itinanim ay ang kamatis, kalabasa, talong, okra at ampalaya. Mayroon din siyang mga tanim na kagaya ng sili, mustasa, labanos, pechay, lettuce, sibuyas, at carrots. Sa isang larawan naman na kaniyang ibinahagi sa social media ay hinikayat niya ang publiko na magtanim upang makatulong at mapanatiling maayos ang ating kalikasan.

(Courtesy: www.instagram.com/mr.cocomartin)

(Courtesy: www.instagram.com/mr.cocomartin)





“Magtanim po tayo para makatulong sa kalikasan,” caption ni Coco Martin.

(Courtesy: www.instagram.com/mr.cocomartin)
(Courtesy: www.instagram.com/mr.cocomartin)

Maayos na nakahanay ang mga pananim ng aktor at mayroon itong sapat na distansiya sa isa’t isa upang lumaki ang mga ito ng wasto. Kapansin-pansin rin na magkakasama ang mga panananim na gumagapang kagaya ng sitaw at kalabasa.


(Courtesy: www.instagram.com/mr.cocomartin)

Ang nasabing gulayan na ito ay makikita di umano sa isang bakanteng lote sa tapat ng bahay ng ni Coco Martin at tinaniman niya ng mga halaman matapos siyang payagan ng may-ari. Mayroon din siyang itinayong bahay-kubo sa nasabing lugar kung saan madalas siyang makitang tumatambay at nagre-relax kasama ang mga kaibigan.

(Courtesy: www.instagram.com/mr.cocomartin)





Wala pang malinaw na balita kung nabili na nga ba ng aktor ang nasabing bakanteng lote, ngunit gayun pa man ay nakakatuwang makakita ng isang kilalang personalidad sa ating lipunan na nagiging magandang ehemplo upang mapangalagaan ang ating kalusugan sa pamamagitan ng pagtatanim at pagkain ng mga gulay.

Maliban dito ay nagiging inspirasyon rin siya sa nakararami na gumawa ng paraan para makatulong sa ating kalikasan.