Anak ng Dating Aktor na si Ronnie Rickets, Naging Usap-Usapan ng mga Netizens Dahil sa Angking Ganda Nito!

Kilala ang pangalang Ronnie Rickets noong taong 1980’s at madalas kapag naririnig ng mga tao ang kaniyang pangalan ay naiisip kaagad nila ang bakbakan at aksyon sa kaniyang pinagbibidahang mga palabas at pelikula. Sa katunayan ay hinahangaan siya ng publiko hindi lamang sa kaniyang magandang mukha at tindig maging sa kaniyang galing sa pag-arte ngunit dahil na rin sa galing nito sa martial arts sa totoong buhay. Ganoon man ang kaniyang mga katangian ay nagawa parin nitong mapa-ibig ang asawang si Mariz, isang aktres at singer.




Sa kasalukuyan ay hindi na napapanood sa telebisyon ang mag-asawa ngunit nasasali pa rin sila sa ilang usapan ng mga netizen dahil sa kapansin-pansin at kaakit-akit na ganda ng kanilang bunsong anak na si Raechelle Marie.





Ayon sa ilang source dalawampu’t taong gulang lang ang dalaga ngunit hindi maikakailang napakaganda na ang hubog ng katawan nito. Ito marahil ay bunga na rin ng kaniyang pagkahilig sa sports kagaya ng boxing na kaniyang minana sa kaniyang aksiyon star na ama at minsan ay nakakasama niya pa sa kaniyang training. Maliban sa katangiang ito ay hinahangaan din siya ng karamihan dahil sa mga angkin nitong talento kagaya na lamang ng pag-sasayaw at pagpipinta!




Makikita ang mga ito sa mga larawang ibinabahagi niya sa Instagram account kung saan bukas rin siya publiko kung gaano siya kalapit sa kaniyang mga magulang at kapatid. Ipinapakita rin ni Raechelle sa kaniyang social media account ang pagkahilig nito sa pamamasyal at pagtuklas ng iba’t-ibang lugar.

Sa katunayan ay nakarating na siya sa iba’t-ibang bansa kagaya ng Taiwan, New York at marami pang iba. Kapansin-pansin rin na madalas siyang mag-outing sa beach kung saan mas na-ienjoy niya ang kalikasan at naipapamalas ang magandang hubog ng kaniyang katawan.






Dahil nga sa angking ganda at mala-modelong pangangatawan ay hindi maiwasan ng ilang netizen na pangaraping balang araw ay mapapanood rin nila sa telebisyon ang dalaga bilang isang artista. Ngunit sa kasalukuyan ay walang balak si Raechelle na sundin ang yapak ng kaniyang mga magulang at kontento na itong ginagawa ang mga bagay kung sana siya masaya.