Tatay na Fishball Vendor, Naitaguyod ang Apat na Anak sa Kolehiyo Dahil sa Sikap at Tiyaga sa Pagtinda!

“Mahirap lang kami, kaya hindi ko kayang mapag-aral ang mga anak ko” Ito ang mga katagang maririnig natin sa ilan nating kababayan na nawalan na ng pag-asa sa buhay dahil sa kahirapan at sunod sunod na problema. Ngunit sa kabila nito ay marami pa ring mga magulang ang hindi alintana ang kahirapan at handang magpakapagod para maitaguyod ang pag-aaral ng kanilang mga anak.



Isa na ngang halimbawa dito ang mga magulang ni Girlie Verzosa, isang netizen na nagbahagi ng kanilang kwento ng tagumpay sa kaniyang Facebook account.

(Courtesy: www.facebook.com/girlie.verzosa)
(Courtesy: www.facebook.com/girlie.verzosa)

Ayon kay Girlie, elementary pa lang sila ay nagtitinda na sa kalye ang kaniyang mga magulang. Ilan sa mga binebenta ng mga ito ay fishball, kikiam, palamig at ilan pang street foods. Maraming pagkakataon na ipahiya at awayin siya ng mga kaklase dahil sa kanilang estado ng buhay ngunit naging maayos ang pagpapalaki sa kaniya ng kaniyang mga magulang kaya naman natutunan niyang balewalain ang mga salitang ibinabato sa kaniya.



(Courtesy: www.facebook.com/girlie.verzosa)

(Courtesy: www.facebook.com/girlie.verzosa)





“Anak, kung anong meron ka wag mo ikahiya. Huwag mong ipilit na mag-astang mayaman para lang kaibiganin ka ng ibang tao. Maging natural ka lang,” ilan lamang sa mga payo ng ama ni Girlie sa kanilang magkakapatid.

Nagsumikap sa pag-aaral si Girlie kagaya ng kaniyang tatlong ate na apnay degree holder kaya naman siya man din ay nakapagtapos din ng kolehiyo!

(Courtesy: www.facebook.com/girlie.verzosa)

Sa kaniya ngang mala-telenovela na Facebook post ay lubos niyang pinasalamatan ang mga magulang sa walang sawa nitong pagtitinda ng Fishball para mapagtapos silang apat na magkakapatid. Nag-iwan rin siya ng mga katagang talaga namang tagos sa puso kaya hindi nakakapagtakang naging viral ang kaniyang post.




(Courtesy: www.facebook.com/girlie.verzosa)

(Courtesy: www.facebook.com/girlie.verzosa)

“Maraming salamat sa Papa at Mama ko…Alam ko marami kayong gutom na tiniis…Maraming panghihiya ang pinaraya…pero lahat ginawa mapatapos lang kami sa pag-aaral,” ilan lamang sa mga salitang ibinahagini Girlie.

Totoo ngang wala sa estado ng buhay ang pagpapatapos sa mga anak kundi nasa pagsisikap ng mga magulang na siya rin namang sinusuklian ng sipag sa pag-aaral ng mga anak.