Aktres na si Marian Rivera, Nag-donate ng Kaniyang Breastmilk Para sa mga Sanggol!

Alam nating lahat kung gaano kahalaga sa mga bata ang gatas ng isang ina at walang kahit na anumang formula milk ang maaaring makapantay o di kaya naman ay makahigit pa dito. Ito ang dahilan kung bakit napakaraming doktor ang nagbibigay ng payo sa mga buntis na ina na kumain ng mga pagkaing tumutulong upang magkaroon ng sapat na gatas para sa kanilang sanggol na ipapanganak. Ngunit hindi maiiwasan na mayroong mga ina na talaga namang hindi pinalad na magkaroon ng maraming gatas at madalas ay hindi ito sapat sa kanilang mga anak. Ito ang dahilan kung bakit naitayo ang mga breastmilk donation institute kung saan tumatanggap sila ng mga breastmilk mula sa ibang ina matapos na makapasa sa screening kagaya ng blood donation.



(Courtesy: www.instagram.com/dongdantes)

Kaugnay nito, kamakailan lang ay pinahanga ng actor na si Dingdong Dantes ang mga netizens nang ibahagi niya sa kaniyang Instagram account ang larawan ng kaniyang asawang si Marian Rivera at anak na si Zia habang hawak-hawak ang mga lalagyan ng gatas.


Ayon sa nasabing post, nagdesisyong ang aktres na mag-donate ng kaniyang gatas sa isang institusyon na nagbibigay ng libreng gatas ng ina sa mga sanggol na nangangailangan nito. Ibinahagi rin ni Dingdong kung gaano siya ka-proud sa kaniyang asawa dahil nakikita niya kung gaano ito kasipag at katiyaga sa pagsisigurong mayroon siyang sapat na gatas para sa anak na sina Zia at si Sixto. At ngayon ngang nag-uumapaw ang kaniyang mga gatas ay minabuti niyang ibahagi ito sa mga ngangailangan dahil alam niya kung gaano ito kabuti sa mga sanggol.

(Courtesy: www.instagram.com/dongdantes)
(Courtesy: www.instagram.com/dongdantes)




“ Being a witness to what she went through with Zia, and with what she is providing for Sixto, I know that producing that precious milk is not easy. And because she is blessed with this, I salute her for choosing to donate her excess expressed milk to those who need it the most, ” ilan sa mga salitang nabanggit ni Dingdong sa kaniyang Instagram post.

(Courtesy: www.instagram.com/dongdantes)

(Courtesy: www.instagram.com/dongdantes)




Ang mga gatas ni Marian ay ibinahagi niya sa “Parenting Emporium” at naging posible ang bagay na ito dahil sa kaibigan nilang si Maricel. Samantala, magiging malaking tulong naman ito para mapabilis ang paggaling ni babay Mati, isang premature baby na inaalagaan ng nasabing institusyon dahil siya ang napiling tumanggap ng mga ibinagay na gatas ng aktres.

(Courtesy: www.instagram.com/dongdantes)

Ang post ni Dingdong ay umani ng papuri sa mga kaibigan nila sa industriya ng show business maging ng mga netizens na talaga namang saludo sa kabuting loob ng pamilya Dantes.