Ganito ang Simpleng Wedding Proposal na Natanggap ni Alex Gonzaga kay Mikee Morada sa Hongkong

Isa sa mga pinaka sikat sa larangan ng Youtube sa panahon ngayon ay si Alex Gonzaga. Sa mga nakaraang taon, matatandaan natin na ilan din ang mga naging ka relasyon ng aktres. Ilan sa mga napapabalitang naka relasyon niya ay ang non showbiz ay hindi nag workout dahil na rin hindi approve ang kaniyang magulang sa mga ito.

Ilang taon ding naging single si Alex hanggang sa dumating ang kanyang Prince charming na isang non – Showbiz at Public servant na konsehal ng Lipa na si Mikee Morada. Tatlong taon din naging magkasintahan sina mikee at Alex ng napag desisyunan na ayain nang mag pakasal si Alex.

Image Courtesy: Instagram/Cathygonzaga


Naibahagi din ni Alex ang isa sa kanilang pinaka masayang araw ni mikee sa kanyang pinaka bagong Vlog noong January 16, 2020 kung saan dito nangyari ang proposal na pinaka aantay ni Alex. Nangyari ang lahat ng magpunta si Alex at Mikee sa Hongkong kasama nila ang kanilang Mommy Pinty, Daddy Bonoy at Uncle na madalas niyang kasama sa kaniyang mga vlogs.

Image Courtesy: Instagram/Cathygonzaga

Sa kaniyang vlog, sa una pa lamang ay nagbibiro na si Alex na sana raw ay mayroong mangyari sa Hongkong trip nila. Pabiro ni Alex sa kaniyang vlog subalit deadma lamang si Mikee sa kaniya.



Hanggang sa ikatatlong araw nila sa Hongkong nag aya na umuwi sa kanilang Hotel ni Alex at habang sila ay naglalakad sa isang garden na puno ng mga bulaklak at magandang lights, nagulat na lamang si Alex ng biglang mayroon daw itatanong si Mikee sakaniya.

Image Courtesy: Instagram/Cathygonzaga

Kuhang kuha sa video ang pagluhod ni Mikee at sabay sabi ng “Will you marry me” habang hawak ang singsing na kanina pa niya itinatago.

Image Courtesy: Instagram/Cathygonzaga

Hindi mapipigilan ang tuwa ni Alex kung saan nagsimulang itong napaiyak at nagtatalon talon sa sobrang tuwa. Ibinahagi ni Alex ang Vlog na ito makalipas ang ilang araw niyang ibinahagi sa publiko na may suot na itong engagement ring.


Image Courtesy: Instagram/Cathygonzaga

Nag-trending ang kaniyang vlog at maraming netizens ang natuwa sa simpleng proposal ni Mikee. Ika nga ng iba, Simplicity is beauty.

Tila buong pilipinas ang nakikisaya sa panibagong buhay na papasukin ni Alex. Dahil nasaksihan din ng buong netizens kung ilang beses siya nasawi at ilang beses din siya bumangon hanggang sa dumating sa buhay niya ang konsehal.



Congratulations Alex and Mikee! Isang Kasalan of the Century nanaman ang inaabangan ng buong pilipinas!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *