Ibinahagi ni Andie Eigenmann na Hirap Ito Dahil Panandalian Niyang Iiwan kay Philmar ang Kanilang Baby Para Makapagtrabaho

Hindi maiwasan ni Andie Eigenmann ang hindi maiyak ng kailanganin niyang iwanan ang 5 months old niyang anak na si Lilo sa kanyang partner na si Philmar Alipayao sa Siargao dahil sa kaniyang trabaho.

Image courtesy: Instagram/Andieigengirl

Kinakailangan kasi ni Andie na umalis at iwanan ang kanyang anak dahil kagaya nalang ng ibang mga magulang kinakailangan ding mag sakripisyo ni Andie para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak.

Sa pag pasok ng bagong taon, napag-desisyunan din ng Aktres na bumalik na sa kanyang pag tratrabaho. Sa katunayan may bagong pelikula siyang gagawin na kinakailangan nilang mag shoot sa ibang bansa.

Image courtesy: Instagram/Andieigengirl

Ibinahagi ni Andie kung gaano kahirap iwanan ang kaniyang 5 month old baby at ang ama ng kaniyang anak na si Philmar.

“While I am stoked to be back in front of the camera and to get another chance to bond with Ellie where it’s just her and me, it hurts to leave papa and my little one”, caption ni Andie sa kaniyang Instagram post.

Image courtesy: Instagram/chepoxz

Alam ni Andie na kailangan niyang tiisin ang pagkakahiwalay nito sa kanyang anak para na rin sa kanila ang kaniyang gagawin. Gaya ng ibang mga nanay gusto din ni Andie na hanggang maaari ay kasama niya sa lahat ng pagkakataon ang kanyang Baby Lilo.

Image courtesy: Instagram/Andieigengirl

“I am gonna miss my little one soooo much!!! But I will be doing this for all of us! And after this will be so rewarding that we will all be complete again on the island hopefully in our new home sweet home.”

Gusto din niyang masaksihan ang bawat milestone ni Lilo sa araw araw, gaya nalang ng pag sasalita, pag lakad at iba pa na alam niyang maaari niyang hindi masubaybayan.

Image courtesy: Instagram/Andieigengirl

Ilang buwan ding mawawala ang Aktres, ngunit sa ilang bwan na ito ay tila pakiramdam ni Andie ay panghabang buhay na niyang hindi makakasama ang kanyang baby.

Idinagdag pa niya sa kanyang post “It will only be for a month, but that’s way too long for me to be away from my children. I know it will feel like forever. Especially because there’s a chance I’d miss out on some milestones.”

Pero kagaya ng ibang mga working Moms buong tapang na hinarap ng Aktres ang pagsubok na ito.

Image courtesy: Instagram/chepoxz

Ganun na lamang ang laki ng pasasalamat ng Aktres sa kanyang partner na si Philmar at sa mga magulang nito sa buong pusong pag aalaga sa kanilang Little angel habang siya ay malayo at nag tratrabaho.