Ito ang Napakacute na Lalaking Anak nina Ellen Adarna at John Lloyd na Matagal Nang Gustong Makita ng Publiko

Matagal na ring hindi aktibo sa mundo ng show business ang sikat na aktor na si John Lloyd Cruz o “Lloydie” para sa ilan kaya naman, sabik na sabik ang kaniyang mga tagapaghanga sa kahit maliliit na balitang lumalabas patungkol sa kaniya.



Matatandaang si Lloydie na mismo ang nagdesisyong mamuhay ng tahimik sa likod nang camera sa kabila ng kasikatan simula nang lumabas ang mga balita patungkol sa relasyon nito sa aktres na si Ellen Adarna. Wala ring kumpirmasyon ang aktor sa lahat ng naglabasang issue kahit na kitang-kita sa social media ng aktres at ilan pa nilang malalapit na kaibigan ang mga sweet na larawan nila ni Ellen.

Ganoon pa man, kinumpirma ng ilan na nabuntis nga ni Lloydie ang aktres at kinailangan nilang magpakalayo-layo para na rin sa kanilang proteksiyon laban sa mainit na mata ng publiko.

Lalaki ang naging anak ng dalawa at ayon sa mga sources ay Baby Elias ang pangalan nito. Habang lumalaki ay iniwasan nilang ipakita ang mukha nito sa publiko kahit na ito ang pangunahing hiling ng mga fans.




Kaya naman noong may lumabas na mga larawan sa social media ay agad na nasiyahan ang mga netizens at hindi mapigilang kiligin dahil sa angking ka-gwapuhan ng bata. Marami ang nagsasabi na hawig ito kay Ellen Adarna samantalang ang ang ilan naman ay nagsasabing mayroong ilang bahagi ng kaniyang mukha na namana mula sa aktor.

Sa Instagram post ni Father Tito Caluag ay makikitang nakapag-selfie ito kasama si John Lluod Cruz at si Baby Elias na tila ba nagpa-cute pa habang nakalagay ang isang kamay sa kaniyang bibig.


“Coming back from the First Integrated STEM Summit in Cebu, it was nice to bump into JLC and Elias. Something very good is brewing. Coming soon,” pagbabahagi ng pari.

Hindi man tiyak kung ang tinutukoy dito ay patungkol sa pagbabalik ni Lloydie sa show business ngunit ganoon pa man, masaya na rin ang mga fans dahil halos madalas nang nagkakaroon ng balita patungkol sa kanilang idolo na si John Lloyd Cruz.





Talaga namang napaka cute ng kanilang anak at maraming fans ang inaabangan ang paglaki nito dahil posible din daw itong sundan ang yapak ng kaniyang Ama sa showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *