Inlove at Kilig parin sa Isa’t isa Sina Lucy Torres at Richard Gomez Dahil Ganito ang Kanilang Sikreto sa Matatag na Relasyon

Sina Lucy Torres at Richard Gutierrez ay ilan lamang sa mga kilalang personalidad at mag-asawa na talaga namang hinahangan at itinuturing na inspirasyon ng karamihan sa ating mga kababayan lalong lalo na pagdating sa usapin patungkol sa pagkakaroon ng ka-relasyon. Ito ay marahil dahil na rin sa kakaibang kwento ng kanilang pag-iibigan at sa pagiging matatag ng kanilang relasyon sa kabila ng mga pagsubok.

Image Courtesy: Instagram/lucytgomez

Ayon nga sa artikulong isinulat ni Lucy, noon pa man ay malaki na ang paghanga niya sa aktor na si Richard Gomez at madalas siyang mag-gupit ng mga larawan nito na siya naman niyang inilalagay sa kaniyang mga kwaderno. Napakaimposible man na sila ay magtagpo dahil sa magkaiba nilang estado sa buhay, hindi padin tumigil sa kaniyang pangarap ang batang Lucy na balang araw ay makikita niya ang kaniyang ‘ultimate crush.’ Mukhang itinadhana nga ang dalawa dahil nagkataon na napili si Lucy para gumawa ng isang shampoo commercial at sakto naman na ang kaniyang naging leading man ay walang iba kundi si Richard!

Image Courtesy: Instagram/lucytgomez
Image Courtesy: Instagram/lucytgomez

Simula noon ay lagi na silang nagkaka-usap at nagkikita hanggang sila nga ay maikasal at magkaroon ng isang napakagandang anak.

Sa kasalukuyan ay nasa ika-21 taon na ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa ngunit kitang-kita pa rin sa kanilang mga mukha kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa kaya naman marami ang nagtatanong kung papaano nila napapanatiling masaya at matatag ang kanilang relasyon.

Image Courtesy: Instagram/lucytgomez

Ayon kay Lucy, ang isa sa pinaka-importanteng gawin ay ang panatilihing maganda at presentable ka sa harapan ng iyong asawa kagaya ng ginagawa mo noong una palang kayong magkakilala.

“Of course. You do it for yourself, yes, but you also do it for your partner. You keep yourself attractive for your spouse. Never let the years pile up that your spouse would look at you and say, ‘Nung kabataan niya maganda siya’, o ‘Nung kabataan niya sexy siya.’ it shouldn’t be that way.”, pahayag ni Lucy sa isnag panayam habang sila ay ipinapakilala bilang mga bagong endorser ng Ultherapy For Two na ginanap sa Shang-ri La Fort.

Image Courtesy: Instagram/lucytgomez

Samantala, para naman kay Richard mahalaga na lagi kayong gumagawa ng paraan para mapasaya ang inyong kabiyak kahit na ito ay sa pamamagitan ng mga simpleng bagay kagaya na lamang ng pagho-holding hands.

Image Courtesy: Instagram/lucytgomez

“Enjoy each other’s company, talk about things. Enjoy traveling together. Sleep together.” He adds, couples should never forget to talk, hold hands, and kiss.”, pahayag ng dating aktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published.