Mag-Asawang Nagmula Sa England, Nakakita ng Isang Mabahong Bagay na Mamahalin Pala ang Halaga!

Ang mag-asawang sina Gary at Angela Williams ay namamasyal noon sa dalampasigan ng Middleton Sands beach nang may bigla silang naamoy na hindi kaaya-aya. Ang nasabing amoy ay parang nabubulok na isda kaya naman minabuti nalang nilang hanapin ito para narin makasiguro at makatulong na rin sa paglilinis ng kanilang lugar.




Sa paghahanap nga ng mag-asawa ay napadpad sila sa parte ng dalampasigan kung saan walang ibang turista ang namamasyal at laking gulat nila ng makita ang isang bagay na mukhang kulay puting bato na inanod ng alon papunta sa kabatuhan. Kulay puti ito ay medyo hawig sa isang bato ngunit malagkit kapag hinawakan.

Unang kita palang ng mag-asawa sa nasabing bagay ay alam na nilang isa itong “ambergris” o di kaya naman ay “suka ng isang balyena” at alam nila na malaki ang halaga nito sa pamilihan dahil madalas itong nagiging laman ng mga balita sa kanilang lugar.




Sa katunayan noong taong 2013, ang 2.7 kilos na “ambergris” ang natagpuan sa Morecambe, isang lugar sa Inglatera. Nagkakahalaga ito ng £120,000 o di kaya naman ay humigi’t kumulang 7.8 milyong piso!

Samantala ang nakuha naman ng mag-asawang Gary at Angela ay tumitimbang ng 1.7 kilos ay tinatayang mayroong halaga na £50,000.

Bakit nga ba ganoon nalang kahalaga ang suka ng mga balyena?





Ayon kasi sa ilang eksperto ang masangsang na amoy nito ay nagiging kaamoy ng isang rubbing alcohol sa katagalan ng panahon. Ginagamit din ito ng mga gumagawa ng pabango upang mapanatili nilang matagal ang amoy ng kanilang mga produkto na siyang madalas gusto ng mga mamimili.

Sa kasalukuyan ay synthetic ambroxan ang ginagamit ng mga kompanya ng pabango dahil bihirang-bihira ng makahanap ng “ambergris” lalo pa at paubos na rin ang lahi ng mga balyena.





Tunay ngang mayroong malaking halaga ang ilan sa mga bagay na akala natin ay patapon na at walang silbi. Nawa’y magsilbing paalala ang artikulong ito na pangalagaan natin ang ating karagatan maging ang ating kalikasan dahil napakaraming kayamanan ang maari nitong ibigay sa atin at sa mga susunod pang henerasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *