Alamin ang Naging Buhay Ngayon ng Dancer na si Luningning Matapos Mawala ang Palabas na ‘Wowowee’ Noon

Isa sa pinakapatok na palabas sa telebisyon noon ay ang “Wowowee” at bata man o matanda ay talaga namang pinapangarap na makita ang kilalang host na si Willie Revillame. Ito ay dahil na rin sa maraming opportunidad na ibinibigay ng programa para sa mga taong walang tigil sa pag-abot ng kanilang mga pangarap at kahit papaano ay guminhawa ang kanilang buhay.




Maliban sa nakakatuwa at nakakamanghang kwento ng mga contestants ay tumatak din sa taong bayan ang dancer sa show na si Luningning dahil sa pagiging aktibo nito upang mapasaya ang mga tao.

Image Courtesy: Instagram/luningning_08

Ang totoong pangalan ni Luningning ay si Lea Carla Santos at sa labas ng entablado at lumaki sa Cabuyao, Laguna.




Matapos ang pagkawala ng programang Wowowee sa ABS-CBN dahil sa ilang mga isyu, hindi na rin nakita pa sa telebisyon si Luningning. Ano na nga bang nangyari sa buhay nito matapos ang kaniyang dancing career?

Image Courtesy: Instagram/luningning_08
Image Courtesy: Instagram/luningning_08




Ayon sa ilang source, sa kasalukuyan ay isa ng businesswoman ang 33 taong gulang na si Luningning at abala siya sa pag-aasikaso ng sariling negosyo na Stardanz Fitness Studio.

Image Courtesy: Instagram/luningning_08
Image Courtesy: Instagram/luningning_08




Dito ay mayroong iba’t ibang klase ng sayaw ang maaring pagpilian para sa pagpapapayat. Ilan na sa mga ito ang Belly Dance, Aerial Silk, Hoops, Dance Fitness, Stilletos, Jazz Dance,Pilates at Kali Pole.Marami ang nagtutungo sa kaniyang studio dahil nais nilang masubukan ang ibang uri ng pagpapapayat maliban sa pagpunta sa gym. Para naman sa mga nagtatanong kung kamusta ang kaniyang buhay pag-ibig ay single pa rin hanggang ngayon si Luningning at inuuna muna ang pagaasikaso sa kaniyang negosyo at pamilya.

Image Courtesy: Instagram/luningning_08
Image Courtesy: Instagram/luningning_08

Maliban sa pagiging Wowowee dancer ay naitampok din si Lunining sa FHM, isang kilalang men’s magazine dahil sa taglay nitong ganda at hubog ng katawan. Marami din ang humanga sa kaniya dahil ipinakita nito na kahit wala na ang kinang ng kaniyang showbiz career ay maayos naman ang kaniyang pribadong buhay kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan.

Image Courtesy: Instagram/luningning_08

Nagawa ito ni Luningning dahil marunong siyang mag-ipon mula sa kaniyang kinikita habang nagtatrabaho sa Wowowee. Sa katunayan, naging dancer din ito sa Wowowin nang ayain ito ni Willie Revillame na maging special guest sa kaniyang kaarawan.

Image Courtesy: Instagram/luningning_08

Saludo kami sayo Luningning at nawa ay maging huwaran ka sa karamihan lalo na pagdating sa pag-iipon at pagkakaroon ng sariling negosyo.


Leave a Reply

Your email address will not be published.