Ilan lamang sa apektado ng kahirapan ang mga matatanda nating kababayan na wala ng inaasahan sa buhay kundi ang kanilang sarili. Sila itong madalas nakikita natin na namamalimos dahil wala silang alam na pagkakakitaan o di kaya naman ay hindi na nila kayang magtrabaho. Sila rin itong madalas mapagsamantalahan ng mga taong walang magawa sa buhay kundi mag-api ng kapwa.
Isang matanda nga ang naging usap-usapan sa social media matapos siyang maloko ng kaniyang customer na di umano ay bibili ng paninda niyang saging ngunit pekeng isang libong pera pala ang ibabayad.
Ang kwentong ito ay ibinahagi sa Facebook ng isang concerned netizen na si An Gi Lie at ayon pa sa kaniya, sinuklian ng matanda ang customer ng 900 pesos dahil nagkakahalaga lamang ng isang daan ang biniling saging ngunit matapos matanggap ang pera sa matanda ay agad itong umalis at hindi kinuha ang saging. Dito na nag-umpisang maghinala ang matanda at nang ipinasuri ang pera ay peke nga ito!
Nagtitinda ng mga prutas sa The New Market Place sa Minglanilla, Cebu ang matanda at dahil sa kinikita ay nagkakaroon siya ng panggastos sa araw-araw ngunit dahil sa hindi magandang nangyari ay sobrang nalugi ang kaniyang negosyo. Lubos na nanlumo ang matanda dahil wala na siyang ibang inaasahan sa buhay at ang sana ay pangpuhunan niya ulit ng paninda ay nanakaw pa sa kaniya.
Salamat nalang at nakuhanan siya ng larawan ni An Ge Lie at ibinahagi ang kaniyang kwento sa social media dahil bumuhos ang tulong ng mga netizens matapos nitong mag-viral. Umabot na nga di umano sa mahigit sampung libong piso ang natatanggap na pinansiyal na tulong ng matanda mula sa mga netizen at marami pang parating.
Ang ilan naman sa mga netizen ay nagpa-alalang tumulong tayo sa mga nakikita nating nahihirapan kahit na hindi man ito naibahagi at naging viral sa social media. Samantalang ang ilan naman ay hindi mapigilang magpahayag ng pagkadismaya sa mga taong hindi marunong magtrabaho ng matino at ang alam lang gawin ay manguha ng perang pinaghirapan ng iba.