Kilalanin ang Ilang Sikat na Celebrities Ngayon na Umalis at Bumalik sa ABS-CBN Network

Sabi nga nila walang permanente sa mundo at maging sa show business ay ganoon din ang nangyayari. Karamihan sa mga artista ay naghahanap ng mas mainam na lugar kung saan sa tingin nila ay mas lalago sila sa kanilang piniling karera sa buhay.




Narito ang ilan sa mga kilalang artista na umalis sa TV network na ABS-CBN ngunit nagdesisyon din naman na bumalik:

1. Kathryn Bernardo

Lubos na nakilala bilang batang artista si Kathryn nang namalagi siya sa kiddie show ng ABS-CBN na Goin’ Bulilit. Nagkaroon din siya ng maraming pelikula kasama ang mga batikang artista ng nasabing TV network ngunit noong taong 2010 ay nagdesisyon siyang gumanap bilang batang Marian Rivera sa palabas na Endless Love ng kabilang network.

Hindi rin nagtagal si Kathryn sa GMA 7 at bumalik din agad sa home network niya na ABS-CBN at sa kanyang pagbabalik ay nakatambal niya ang ngayo’y kasintahan na si Daniel Padilla.

2. Kristine Hermosa



Napabilang ang aktres sa Star Magic ng ABS-CBN noong 1990 at bumida sa iba’t ibang pelikula ngunit matapos mag-asawa at manganak ay natigil ang siya sa pag-aartista. Nakabalik siya sa mundo ng showbiz noong 2016 at napabilang sa sitcom na “Hay,Bahay” ng GMA 7.

Makalipas ang ilang taon ay muling lumabas ang aktres sa telebisyon at gumanap na kontrabida bilang si Malaya sa fantasy series ng ABS-CBN na “Bagani”.

3. Claudine Barretto

Nagsimulang sumikat si Claudine sa ABS-CBN network at dahil sa angking galing sa pag-arte ay tinanghal siya bilang ” Optimum Star”. Nakilala siya bilang magaling na bida at kontrabida sa mga pelikula ng nasabing network ngunit ginulat nito ang lahat ng pumirma siya ng kontrata sa GMA 7 noong 2009.



Hindi nagtagal ay bumalik rin sa home network si Claudine noong 2015 at gumawa ng ilan pang mga pelikula.

4. Carlo Aquino

Umusbong ang showbiz career ng binata sa ABS-CBN network at nakasama sina John Prats at Stefano Mori sa kanilang grupo na JCS trio. Nakatambal niya rin ang aktres na si Angelica Panganiban sa youth oriented series na G-Mik at naging kasintahan niya ito sa totoong buhay ngunit matapos ang kanilang hiwalayan ay napabalitang lumipat ng estasyon ang aktor.

Pumirma nga ng kontrata si Carlo sa GMA 7 at naging kontrabida sa ilang mga palabas dito ngunit noong taong 2012 ay nagdesisyon siyang bumalik sa ABS-CBN kung saan binigyan siya muli ng break at bumida sa mga pelikula na talaga namang kumita sa takilya.

5. Robin Padilla



Kilala bilang “Bad Boy” sa mga pelikula ng ABS-CBN si Robin at maraming leading lady ang talaga namang nahulog sa angkin nitong karisma sa mga babae. Gayun pa man, nakita rin siya ng publiko na bumida sa ilang palabas ng GMA 7 noong 2007 at nakilala siya bilang si “Totoy Bato”.

Bumalik rin muli sa ABS-CBN si Robin at ang huli niyang proyekto ay ang palabas na “Sana Dalawa Ang Puso” kung saan nakasama niya sina Jodi Sta.Maria at Richard Yap.

6. Alex Gonzaga

Habang nagsisimula sa kaniyang showbiz career ay nagkaroon ng pakonti-konti proyekto si Alex sa ABS-CBN network kaya naman naisipan nitong lumipat sa Kapatid network na TV 5. Doon siya binigyan ng major project bilang host ng isang showbiz talk show na “Juicy” at iba pang lead roles.

Sa kabila nito ay bumalik pa rin si Alex sa ABS-CBN at naging host ng iba’t ibang TV shows.

7. Alessandra de Rossi




Nagsimulang madiskubre bilang artista si Alessandra nang mapabilang siya sa Star Circle Quest Batch 7 ng ABS-CBN network. Matapos nito ay binigyan siya ng ilang proyekto ngunit noong taong 2001 ay pumirma siya ng kontrata sa GMA 7 kung saan nakilala ang galing niya sa pag-arte bilang kontrabida. Marami siyang ginawang palabas sa nasabing TV network ngunit bumalik rin muli sa ABS-CBN at doon nagkaroon ng blockbuster movie kasama ang aktor na Empoy Marquez.

8. Diether Ocampo

Isa sa mga kilalang leading man ng taong 90’s si Deither at nag-umpisa ang kaniyang showbiz career sa ABS-CBN network. Ilan sa mga ginawa niyang pelikula ay ang Mula sa Puso noong 1997 kung saan nakatambal niya si Claudine Barretto. Sumubok na gumawa ng proyekto sa TV5 ang aktor noong 2015 at bumida sa Wattpad Presents ngunit hindi ito nagtagal at bumalik din siya sa ABS-CBN noong taong 2018 kung saan napasama siya sa palabas na “Bagani”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *