Proud Pinay! Siya ang Kauna-Unahang Filipina Fighter Pilot ng US Air Force!

Isa sa pinakamahirap na trabaho ay ang pagiging piloto lalong-lalo na kung ang minamaneho mo ay isang military jet na sumasabak sa gyera. Kaya naman nakakamanghang makakita ng mga babaeng piloto dahil pinapatunayan lamang nila na kung kaya ng mga lalaki ang isang trabaho ay kaya rin nila ito.




Isang babaeng piloto nga ang kamakailan lang ay naging laman ng usap-usapan ng mga netizen dahil tinagurian siya kauna-unahang Pilipino na nagmamaneho ng napakabilis na F-16 Fighting Falcon fighter jet na ginagamit sa iba’t-ibang misyon ng Amerika.

Nakilala ang babae bilang si Capt. Monessa Catuncan, kasalukuyang 33 taong gulang at bunsong anak ng mga Pilipino na sina Mr. and Mrs. Ramon Catuncan. Nakatira sila noon sa Pasay ngunit matapos makapagmigrate ang buong pamilya sa Amerika ay naninirahan na sila ngayon sa Mesquite, Texas.






Ayon kay Ginoong Ramon, bata pa lamang ay kakaiba na talaga ang mga pangarap na trabaho ng kaniyang bunsong anak. Noong una ay gusto nitong maging astronaut matapos mapanood ang pelikulang “Armageddon” ngunit nagbago rin ang bagay na ito nang sinubukan siyang ma-impluwensiyahan ng isang Coast Guard. Halos dalawang linggo ring bumibisita sa Connecticut si Monessa sa pagnanais na malaman kung paano nagpapalipad ng helicopter at dahil dito ay napagtanto niyang mas gusto niyang maging piloto ng aircraft na fixed wing kagaya ng mga jet fighter.

Nagpursigi siyang maabot ang kaniyang pangarap at pinagdaanan lahat ng proseso para magkaroon ng lisensiya sa pagiging piloto. Hindi lamang siya nakapasa sa mga pagsusulit kundi siya pa ang itinatanghal na top 1 sa klase.


Marami na rin siyang misyon at gyera na napuntahan ngunit ni minsan ay hindi niya naisip na bitawan ang propesyon dahil masaya siya sa kaniyang ginagawa. Sa kasalukuyan ay nadestino siya sa Hill Air Force Base na matatagpuan sa Northern Utah, halos 30 milya ang layo sa North of Salt Lake City, Utah.



Ayon pa sa ama ni Monessa, lumalabas ang pagiging Pilipino ng kanilan anak dahil paborito nito ang mga pagkain kagaya ng adobo, afritada, at kare-kare.



Marami ang mga Pilipino netizen na humanga at masaya para sa kaniyang nakamit na tagumpay ngunit ang ilan ay sinasabing hindi siya totoong Pilipino dahil American -citizen na siya ngayon at bandila ng America ang kaniyang dinadala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *