Julia Barretto, Nagsisimula Ulit ng Panibagong Buhay sa Pamamagitan ng Paglayo sa Toxic na Tao sa Social Media

Matapos ang kontrobersya na kinasangkutan ni Julia Barretto at ng dating magkasintahan na sina Gerald Anderson at Bea Alonzo ay naging mainit na sa mata ng publiko ang 22 anyos na aktres. Umulan ng insulto at mga negatibong komento patungkol sa dalaga dahil sa mga paratang rito.

Image Courtesy: Instagram/juliabarretto

Hindi rin nakatulong ang naging away ng kanyang inang si Marjorie at mga tiyahin na sina Gretchen at Claudine dahil maging siya ay nasangkot sa gulo at pinatamaan ng mga ito sa kani-kanilang Instagram accounts. Naging laman ng mga balita ang pamilya Barretto bago pa man tuluyang humupa ang issue na una na nitong kinasangkutan kaya naman talagang hindi naging maganda ang huling mga buwan ng 2019 kay Julia.

Image Courtesy: Instagram/juliabarretto

Ayon sa aktres, hindi na nito nais pang magbahagi masyado ng tungkol sa kanyang pribadong buhay at mga karelasyon dahil kapag mas kaunti ang nalalaman ng mga tao ay mas kakaunti rin ang masasabi ng mga ito.

Image Courtesy: Instagram/juliabarretto

Kung dati raw ay kumportable itong mag-post ng ano mang maisipan nito at kung kailan nito gustuhin ay ngayon mas maingat na ito sa paggamit ng social media. Ito ay magmula na rin noong umani siya ng napakaraming panlalait mula sa madla at dahil mapa-hanggang sa ngayon, ang bawat galaw niya ay patuloy na nakikita o napupuna. Natutunan na raw nito na ipakita lamang ang mga bagay at side na gusto niyang ipakita sa publiko.

Image Courtesy: Instagram/juliabarretto

Pag-amin pa ng dalaga, kapag na-engganyo nang husto ito sa usapan at nag-enjoy sa company ng kasama nito ay hindi niya na masyadong nagagamit ang social media. May mga pagkakataon pa nga raw na ni hindi daw talaga nito nahahawakan man lang ang kanyang cell phone.

Image Courtesy: Instagram/juliabarretto
Image Courtesy: Instagram/juliabarretto

Sa Instagram account pa lang nito ay may mahigit 8 milyong followers ito at doble rin noon ang mga matang laging nakasubaybay kaya maigi rin talaga ang magkaroon ng break kahit papaano sa social media.

May pelikula si Julia kung saan kasama niya sina Joshua Garcia, Maris Racal, McCoy de Leon, Ina Raymundo at Dimples Romana. Ang pamagat ng naturang pelikula ay Block Z at palabas na ito sa mga sinehan sa kasalukuyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *