Sinurpresa ng Isang Vlogger ang Grab Food Driver na may Kapansanan Kung Saan Niregaluhan Niya Ito ng E-Bike Upang may Magamit sa Araw araw

Isang Grab Food Driver ang kamakailan nag-viral dahil sa dedikasyon nito sa pagta-trabaho kahit na ito ay mayroong kapansanan na kung iisipin ay napakahirap maghanap buhay ng ganito ang kaniyang sitwasyon.




Ang Grab Food Driver na ito ay si Kuya Joy. Siya ay nasa edad 47 years old pa lamang subalit hinaharap niya ang kaniyang araw araw na buhay sa pamamagitan ng paggamit ng bisikleta sa paghatid ng pagkain sa mga customers na nagoorder sa Grab Food App.

Si Kuya Joy ay kulang ng isang binti subalit kinakaya niyang ibalanse ang paggamit ng bisikleta sa pamamagitan ng paggamit ng saklay habang nagbibiskleta at naglalakad. Kung iisipin ay napakahirap magtrabaho kung ganito ang iyong sitwasyon subalit para kay Kuya ay walang hadlang sakaniya ito para makapaghanap buhay.




Kaya naman, naisipan ng isang sikat na vlogger na si Basel Manadil ng youtube channel na Hungry Syrian Wanderer na bigyan ito ng munting surpresa. Lubusang napahanga ang vlogger sa dedikasyon ni Kuya Joy kaya naman naisip nito na bigyan niya ng regalo ang grab food driver na kung saan makakatulong sa kaniyang pang-araw araw.





Sinupresa niya ito ng isang Electronic Bike kung saan hindi na nito kinakailangan pang ibalanse ang bike na ito dahil may dalawang gulo ito sa likod at isang gulong sa harap. Para kay Basel, malaki ang maitutulong ng e-bike kay Kuya Joy lalo na hindi na ito mapapagod na magpedal dahil automatic ang e-bike na kaniyang ibinigay. Nilagyan niya rin ito ng takip upang maproteksyunan si Kuya Joy sa sikat ng araw at sa tuwing uulan.

Ibinahagi ng vlogger sa kaniyang Facebook account ang reaksyon ni Kuya Joy na kung saan makikita ang kaniyang tuwa dahil sa nasabing surpresa. Masayang nakangiti si Kuya Joy habang sinubukan niyang sakyan ang e-bike na kulay pula.

Nagpasalamat si Kuya Joy kay Basel dahil sa regalo nito na talaga namang tumagos sa kaniyang puso dahil napakalaking tulong nito sakaniya. Subalit para sa vlogger ay mas nagpasalamat ito sakaniya dahil doon niya napagtanto na kailangan nating maging grateful araw-araw dahil kahit papano ay blessed pa rin tayo.

Umani ng napakaramig positibong komento ang post ng vlogger at mayroon din na iilan na negative ang naging reaksyon nila dahil raw tila nagpapasikat lamang ang vlogger. Subalit pagbabahagi ni Basel, hindi raw sponspored ang kaniyang post at hindi raw nito layunin na ipagmayabang sa social media ang kaniyang pagiging good samaritan. Ang tanging layunin lamang nito ay ibahagi sa kaniyang viewers ang inspiring story ni Kuya Joy na hindi sumusuko sa laban ng buhay kahit na ano pa man ang kapansanan nito.


Mabuhay ka Kuya Joy! Salamat sa pagpapakita ng dedikasyon sa mga tao! Maging inspirasyon sana ang post na ito para sa lahat na maging thankful sa ibinigay ng Diyos sa atin at maging kuntento kung ano ang mayroon tayo. Matuto sana tayong maging mapamaraan at mabawasan ang ating pagrereklamo sa buhay.

Source: Facebook/Thehungrysyrianwanderer

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *