Ibinahagi ng BodyGuard ni Sarah Geronimo ang Nasaksihan Niyang Pangyayari sa Kanilang Secret Wedding na Kaniynag Ibinahagi kay Raffy Tulfo

Isa sa pinakamalaking pasabog sa showbiz nitong buwan ng Pebrero ay ang secret wedding nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Maliban pa sa katotohanang hindi inimbita ng bride ang kanyang pamilya, partikular na ang kanyang ina, ay malaki nang intriga at mas lumala pa ito dahil sa akusasyon sa groom na sinuntok umano nito ang body guard ni Sarah sa mismong araw na iyon.  Marami ang kumalat na chismis ngunit ang alam lamang na sigurado ay ang pagsugod ng nanay ni Sarah na si Mommy Divine pagkatapos ng kasal kung saan nagkaroon ng isang kumprontasyon.




Si Jerry Tamara, body guard ni Sarah, ang napagbintangan na nagsumbong sa ina nito kaya nalaman ang ginawa nilang pagpapakasal nang palihim at siyang dahilan kung bakit napasugod ito roon. Nagalit umano si Matteo at sinuntok si Tamara, bagay na itinanggi ng aktor ngunit pinatotohanan mismo ng body guard nang siya na mismo ang lumapit sa programa ni Raffy Tulfo upang magbigay ng salaysay nito at magsampa ng reklamo laban kay Guidicelli.

Ayon kay Tamara, ni hindi nito alam kung saan mismo ginanap ang kasal noong ika-20 ng Pebrero dahil pareho lamang ang damit na isinuot ni Sarah sa buong araw ngunit nagtaka raw ito dahil noong nagtungo sila sa Victory Nation sa BGC ay sinarado ang buong second floor, bagay na hindi naman karaniwang nangyayari. Mula sa Victory ay dinala nila si Sarah sa isang restaurant sa loob ng magandang hotel sa Bonifacio Global City kung saan kumain ito ng dinner kasama si Matteo at ang pamilya ng aktor.



Bandang 10:30 ng gabi raw ay tinanong na ni Tamara ang reception kung kinuha na ba nila ang bill dahil lumalalim na ang gabi at sa kaparehong oras na ito nakatanggap siya ng text mula sa driver nila na nagtatanong kung bakit pinapauna na raw silang umalis ni Sarah.

Ang balak lamang nito ay sabihan ang singer na ipaalam sa ina nito kung bakit magpapaiwan ito ngunit noon rin ay nagtanong si Mommy Divine kung nasaan na raw sila at doon na sinabi ni Jerry na nagpapa-iwan ang anak nito.

Nilinaw ng body guard na hindi totoong nagsumbong siya sa ina ni Sarah dahil nag-e-espiya ito para sa ginang ngunit dahil ibinilin ito ng mga magulang sa kanya at ginagawa lamang umano nito ang kanyang trabaho. Hindi nito nais na managot kung sakaling sa kanya hanapin ng mga magulang ni Sarah ang singer kaya ito nagsabi sa ina nito. Sinabihan siya umano ni Mommy Divine na huwag iwan ang anak at hintayin raw ito roon.


Ayon pa sa salaysay ni Tamara, dumating si Mommy Divine matapos ang 20 minutos at doon na nagsimula ang komosyon. Nagpalitan na raw ng mga masasakit na salita ang magkabilang kampo at hindi ito namagitan hanggang sa muntik nang magka-pisikalan. Dinala niya ang mag-ina sa isang kwarto para makapag-usap ngunit hindi pa rin daw naayos ang gusot. Dumating ang chairman ng Viva Entertainment na si Vic del Rosario at sila naman ang nag-usap ni Mommy Divine.

Lumabas si Sarah at kinunsuwelo ito ni Matteo at ng pamilya nito. Maya-maya pa ay napansin ni Tamara na umaalis na ang mga ito palabas ng restaurant mula sa fire exit kaya sinabihan niya agad ang ina ni Sarah dahil ibinilin nito na bantayan niya ang anak. Sinundan niya ang mga ito, tinawag ang singer at sinabihan ito na sana’y mag-usap muna sila ng kanyang Mommy bago man lang sila umalis.

Nagalit raw si Matteo at sinabihan siya na huwag makialam dahil asawa nito si Sarah. Sinubukan umano ni Tamara ang magpaliwanag na hindi ito nangingialam, ang nais lamang niya ay mag-usap ang mag-ina bago sila umalis at doon na raw siya sinuntok ng aktor sa may bandang leeg.



Gusto lamang iparating ni Tamara kay Matteo na alam umano nito at ng pamilya nito ang katotohanan na sinuntok talaga siya nito sa leeg at hindi daw pwede na kapag galit ito ay sasapakin na lang siya nito bigla, lalo pa at wala naman siyang ginagawa sa kanila.

Ang abogado, ina ni Matteo at ang mga taga-Victory raw ang nanghingi ng dispensa sa kanya dahil sa nangyari. Balak magsampa ng pormal na reklamo ni Tamara kay Guidicelli at wala rin itong balak i-urong ang kaso. Nananatiling tikom naman ang bibig ni Sarah ukol sa pangyayari hanggang sa kasalukuyan.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *