“Shopping for the Wife”, Sarah at Matteo Guidicelli, Namimili na ng Gamit Para sa Kanilang Bahay!

Noong ika-20 ng Pebrero bandang ala-sais ng gabi ay ikinasal nga ang magkasintahan na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Simple lang ang nasabing Christian wedding na ginanap sa Victory Church na matatagpuan sa Bonifacio Global City, Taguig. Pinangunahan ito ni Pastor Paolo Punzalan, senior pastor ng simbahan.



Nandoon din sa ceremonya ang pamilya ni Matteo at ilan pang miyembro ng simbahan. Masaya at maayos ang okasyong ito ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay mayroong kaguluhan na naganap nang biglang dumating ang ina ni Sarah. Ganoon pa man hindi ito naging hadlang sa pag-iisang dibdib nilang dalawa at sa huli ay naisakatuparan rin ang matagal na nilang pangarap – ang mamuhay ng magkasama habang-buhay.

Image Courtesy: Instagram/matteog

“We are happy, we are blessed, and we are husband and wife”, pagbabahagi nila sa kanilang Instagram accounts.

Kaugnay nito, kamakailan lang ay ibinahagi ng kilalang doktor na si Dra. Vicky Belo ang isang maikling video sa kaniyang Instagram account kung saan makikitang magka-holding hands sina Sarah at Matteo habang naglilibot ang mga ito sa home section ng isang sikat na department store.




Image Courtesy: Instagram/victoria_belo

Nang tanungin naman kung ano ang ginagawa nila doon ay ito ang naging sagot ni Matteo sabay halik sa noo ng kaniyang asawa:

“Shopping for the house, shopping for the wife.”

Image Courtesy: Instagram/victoria_belo



Image Courtesy: Instagram/victoria_belo

Makikita sa video na abala si Sarah sa pagpili ng mga gamit para sa bago nilang bahay kagaya na lamang ng mga gamit sa kusina at iba pa. Samantala, si Matteo naman ay matiyagang naghihintay sa kaniya at paikot-ikot lang sa lugar habang kinakausap ang anak ng doktor na si Scarlet Snow Belo.

Image Courtesy: Instagram/victoria_belo




Image Courtesy: Instagram/victoria_belo

“So happy to see Mr and Mrs Guidicelli @matteog @justsarahgph doing normal husband and wife duties. @scarletsnowbelo is trying to help them pick out glassware in Rustans but I don’t think she’s helping that much. Matteo though is so sweet and patient with her.”, caption ni Dr. Vicky sa nasabing video.

Image Courtesy: Instagram/victoria_belo

Noong una ay medyo nahihiya pa si Scarlet kay Matteo ngunit nang sabihin nitong mayroon siyang alagang aso ay agad itong natuwa at naging interesado.

Image Courtesy: Instagram/victoria_belo

Wala ngang duda na masayang-masaya sina Sarah at Matteo sa kanilang buhay bilang bagong mag-asawa sa kabila ng mga kaguluhan at usap-usapan ng ibang ito. Sa katunayan ay ibinahagi pa ng aktor kay Dra. Vicky kung ano ang hiling niya para sa pinakamamahal niyang asawa.

Image Courtesy: Instagram/victoria_belo

Image Courtesy: Instagram/victoria_belo





“He told me his only wish for Sarah is to be the happiest woman in the world.”, dagdag pa ng doktor sa kaniyang caption.

Congratulations Sarah at Matteo!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *