Ibinahagi ng Isang Netizen na Kumita Ito ng 160,500 Pesos Dahil sa Pagbenta ng Ice Candy at Sari-sari Store!

Hangad ng bawat isa sa atin ang umasenso sa buhay at makaranas ng ginhawa hindi lamang para sa ating sarili kundi para na rin sa mga taong parte ng ating pamilya. Kaya naman kahit na anong pwedeng pagkakitaan ay pinapasok upang maisakatuparan ang pangarap na ito.




Sa isang Facebook page nga na kilala bilang PESO SENSE ay mayroong isang babae na nagbahagi ng kaniyang kwento kung papaano siya nakapag-ipon ng pera na hindi inaasahan ng karamihan dahil sa kaniyang paraan.

Nakilala siya bilang si Riz Red Moreno, isang may-bahay. Maliban sa pag-aalaga ng mga bata at pag-aasikaso ng mga pangangailangan ng buong mag-anak ay mayroon din siyang binabantayan na sari-sari store. Habang tumatagal ay naiisipan niyang magdagdag ng panindang ice-candy lalo na at mayroon pa siyang extra na oras para sa paggawa nito. 




Dalawang kaserola ng pinaghalo-halong sangkap ang nagagawa niya sa loob ng isang araw at mula rito ay nagkakaroon siya ng umaabot sa 165 na ice-candy. 

Mangga at buko ang mga flavors na kaniyang ibinebenta at limang peso ang halaga nito kada isa. Madalas maubos ang kaniyang mga paninda at kumikita siya ng 800 pesos kada araw. Naging masinop si Riz sa kaniyang kinikita at ang 500 pesos dito ay iniipon niya samantalang ang 300 pesos naman ay itinatabi niya pambayad ng kuryente.

Araw-araw niya ngang ginagawa ang bagay na ito maliban nalang kung tag-ulan o di kaya naman ay masama ang kaniyang pakiramdam. Kaya naman, hindi nagtagal ay naka-ipon siya ng umaabot sa 165,500 pesos nang buksan niya ang kaniyang alkansya!





Abot-langit ang saya ni Riz at hindi nito akalain na ang simpleng pagdagdag ng paninda sa kaniyang tindahan ay siya palang magiging susi para maka-ipon siya kahit nasa loob lang ng bahay. Dahil dito ay naging inspirasyon siya nakarami at nag-iwan din ng isang mahalagang mensahe para sa mga kagaya niyang may-bahay.

“Kaya sa mga nanay kahit nasa bahay lang kayo kaya nyo rin makaipon sipag tyaga lang talaga at disiplina pagdating sa pera, maraming salamat at sana maging inspirasyon itong ipon challenge ko na ito, Thank you po at happy new year sa inyong lahat.” pagbabahagi ni Riz sa nasabing Facebook page.


Tunay ngang walang eksaktong daan para makamit natin ang tagumpay at lahat tayo ay mayroong kani-kaniya at kakaibang paraan para gawin ito. Nasa sa atin nalang kung papaano at kailan natin uumpisahan ang paggawa ng paraan para makamit ang pangarap nating umasenso sa buhay.



courtesy: Facebook/Pesos Sense/Rizredmoreno

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *