Kakai Bautista, Ibinahagi ang Karanasan sa Pagiging Assistant kay Lea Salonga at Kung Paano Ito Nakamit ang Tagumpay

Karamihan sa mga kilala nating sikat na artista o indibidwal sa mundo ng show business ay mayroong nakakahangang kwento sa likod ng kanilang tinatamasang tagumpay. Ang ilan nga sa kanila ay talagang nagmula pa sa isang payak na pamilya at ginawa ang lahat ng kanilang makakaya para maabot ang pangarap na balang araw ay makilala ng ibang tao ang taglay nilang talento. Hangad rin nila na mapabuti ang buhay ng kanilang pamilya kaya naman kahit na nahihirapan ay tuloy lang ang kanilang laban.



Isa sa mga artistang mayroong ganitong kwento ay ang komedyante at singer na si Kakai Bautista. Sa kasalukuyan ay masasabing matagumpay na nga siya sa halos lahat ng aspeto ng kaniyang buhay at naisakatuparan na rin ang isa sa mga pangarap niya – ang maiahon sa hirap ang kanilang pamilya.

Nag-umpisa siyang magkaroon ng iba’t ibang raket para kumita ng pera hanggang sa mabigyan siya ng pagkakataon na makapasok at magtrabaho sa isang teatro. Doon ay nakasama niya ang sikat na singer na si Miss Lea Salonga at kamakailan lang ay binalikan niya ang ilang alaala nilang dalawa habang sila ay nasa teatro pa.






“It’s been almost 20 years ago since I had the privilege to serve the only LEA SALONGA. This was year 2000 in “They’re Playing our Song”. I was her wardrobe assistant. I iron, laundry, carry her costumes and wash her inner garments 6 days a week for almost a year. I dress her on quick changes.”

Hindi madali ang pinagdaanan ni Kakai para maabot ang kaniyang pangarap at sa katunayan ay naranasan niyang magtiis ng gutom o di kaya naman ay maglakad ng malayo kapag kulang na ang kaniyang pamasahe.



“Life was very hard back then. I need to walk from EDSA to AFP Theater. I had to skip meals to save for everyday fare to Laguna. My friends and I, naghahatihati kame sa isang cup ng Yakisoba ganun lang. Pero MASAYA KAME. I needed to find “cubao shoe expo” without google and waze.”

Dahil dito ay mayroong mga pagkakataon na parang gusto na niyang sumuko ngunit sa tuwing naririnig niya ang tinig ni Ms.Lea Salonga ay nabubuhayan siya ng loob.



“Last to sleep, first to rise. There were times I wanted to give up kase sobrang pagod pero pag naririnig ko siyang(Lea Salonga) kumanta,nagigising diwa ko because I see her everyday. I got to sing and dance off stage with her during shows. I got to hug and greet her “volunteer song lady” everyday.”

Nakakatuwa ngang marinig ang mga kwentong tagumpay na kagaya ng buhay ni Kakai. Isang patunay lang na ang taong hindi sumusuko sa pag-abot ng pangarap ay tiyak na magtatagumpay.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *