Ibinahagi ang Mag-Asawa na Ito ang Kanilang 25,000 Pesos na Simple at Praktikal na Church Wedding!

Halos lahat ng babae ay nangangarap na maikasal sa taong kanilang pinaka-mamahal at mag-suot ng wedding gown habang dahan-dahang naglalakad patungo sa altar. Ang ilan pa nga ay nakakapag-isip ng iba’t ibang paraan kung papaano sila ikakasal kagaya na lamang ng beach, garden o church wedding. Hindi naman masama na mangarap sa bagay na ito at sa katunayan ay karapatan ng bawat babae ang maranasan ang ganitong masayang okasyon dahil ika nga ng iba, ‘Minsan ka lamang ikakasal sa iyong buhay’.



Ganoon pa man, sa panahon ngayon ay hindi na biro ang gastos na kakailanganin ng magkasintahan kung gusto nilang magpakasal lalo na kung susundin ang tradisyunal na pamamaraan at kumpleto ang lahat ng kasama sa tinatawag na ‘entourage’.

Kaya naman, marami sa ating mga kababayan ang nakaka-isip ng mainam na paraan kung papaano makakatipid hangga’t maaari kagaya na lamang ng netizen na si Mommy Marilen.

Image Courtesy: Facebook/Marilen

Image Courtesy: Facebook/Marilen





Sa kaniyang ibinahaging kwento sa kaniyang Facebook account, kwento niya na halos labing-isang taon na siyang kasal sa huwes sa asawa na si John Cedric Pasco. Nagkaroon sila ng mga anak at nang lumaki na ang mga ito ay nagdesisyon silang ituloy ang kasal sa simbahan dahil ito rin naman nais nilang dalawa. Naging challenging ang pag-iipon nila para sa kanilang kasal dahil na rin sa lumalaking gastusin ng pamilya ngunit hindi ito naging hadlang para maisakatuparan ang kanilang pangarap.

Image Courtesy: Facebook/Marilen

Maliban sa pag-iipon bago ang kasal ay napag-desisyunan din nina Mommy Marilen na gawing simple lang ang ceremonya at sa katunayan ay iisang pares lang ng ninang at ninong ang kanilang kinuha.



Image Courtesy: Facebook/Marilen

“Hindi na rin namin ipinamalitang ikakasal kami. Baka may magtampo na hindi na-invite sa dami ng kakilala namin,” pagbabahagi ni Marilen.

Umabot sa halos 25,000 pesos ang kabuuang nagastos ng mag-asawa at kabilang na doon ang bayad nila sa damit, photographer, videographer pati na rin ang pagpapakin sa mga bisita sa isang kilalang kainan at iba pang gastos.a

Image Courtesy: Facebook/Marilen



Image Courtesy: Facebook/Marilen

Simple man ang naging kasal sa simbahan ay kitang-kita sa mga larawan kung gaano sila kasaya na sa wakas ay magkasama silang nangako ng panghabang buhay na pag-ibig hindi lamang sa harapan ng mga tao kundi higit sa lahat ay sa harapan ng Diyos.

Image Courtesy: Facebook/Marilen
Image Courtesy: Facebook/Marilen

“Ang importante sa amin ay hindi na kaming dalawa lang ang magtataguyod sa pamilyang binuo namin. Naroon na ang presence ni God. Someday, kung papalarin, mararanasan din namin ang pinakabonggang wedding na gusto namin—bonus na lang sa pagsasama namin kung mangyari man ‘yun,” dagdag pa niya.

Image Courtesy: Facebook/Marilen

Image Courtesy: Facebook/Marilen





Talaga namang hindi hadlang ang kakulangan sa pera para maisakatuparan ang pagpapakasal ng dalawang taong nagmamahalan dahil ang pinaka-mahalaga sa huli ay pareho nilang magawa at mapanindigan ang pangakong pag-ibig para sa isa’t isa habang buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *