Roxanne Guinoo, Hands-on sa Kaniyang Beautiful Family at Napakagwapong Asawa

Madalas iniisip ng karamihan sa atin na ang pagpasok sa mundo ng show business at ang pagiging isang ganap na artista ay siyang makapagbibigay sa atin ng mga bagay na hinahangad natin sa buhay kagaya na lamang ng karangyaan at kaligayahan. Hindi naman masama ang bagay na ito at sa katunayan ay marami sa ating mga kababayan ang nakaahon sa hirap ng buhay dahil sa pagpupursigi nilang maabot ang pangarap bilang artista. Isa na nga dito ang dating aktres na si Roxanne Guinoo.




Image Courtesy: Instagram/Roxanneguinoo

Sumali noon si Roxanne sa reality show ng Kapamilya network na ‘Star Circle Teen Quest’ taong 2004. Hindi man nasungkit ang 1st place ay nakamit naman ni Roxanne ang 2nd place at simula noon ay nagsunod-sunod na ang pagbukas ng mga proyekto para sa kaniya kung saan lalo pa ngang umusbong ang pangalan nito sa industriya ng showbiz. Nagkaroon din siya ng big break noong 2007 nang pagbidahan niya ang Sineserye Presents: ‘Natutulog Ba ang Diyos?’ kasama ang kaniyang leading man na sina Jake Cueca at Joross Gamboa.



Maganda ang naging estado ng karera ni Roxanne ngunit mas pinili niyang talikuran ang showbiz matapos ikasal sa kaniyang asawa na si Angelo Elton Yap, isang Filipino-Chinese businessman noong 2007.

Image Courtesy: Instagram/Roxanneguinoo

Nagkaroon nga sila ng dalawang anak na babae at isang anak na lalaki kung saan hands-on mom naman ang dating aktres sa pag-aalaga sa mga ito lalo pa at gusto niya na nasusubaybayan ang mga anak habang sila ay lumalaki.

Image Courtesy: Instagram/Roxanneguinoo



Image Courtesy: Instagram/Roxanneguinoo

Kapansin-pansin rin na mas lalo pa siyang gumaganda sa paglipas ng panahon at kung hindi mo nga siya kilala ay mapagkakamalan pa ring isang dalaga. Marahil ay dala na rin ito ng walang kapantay na kaligayahang nadarama kapag kasama ang kaniyang pamilya.

Image Courtesy: Instagram/Roxanneguinoo

Image Courtesy: Instagram/Roxanneguinoo




Makikita rin sa kaniyang mga social meda posts na madalas silang mag-travel sa magagandang lugar sa loob at labas ng bansa bilang isang pamilya at isa ito sa talaga namang nagiging daan para mas lalo silang maging malapit sa isa’t isa.

Todo suporta rin si Roxanne sa kaniyang mga anak kung saan sinasamahan pa niya ang mga ito sa fieldtrip ng mga bata pati na rin sa kanilang mga school events.

Image Courtesy: Instagram/Roxanneguinoo

Ang ilan nga sa mga netizens ay hindi mapigilang mag-komento at nasabing buhay reyna na ngayong ang dating prinsesa na lagi nilang napapanood sa telebisyon.

Image Courtesy: Instagram/Roxanneguinoo

May iilan pa rin itong mga proyekto na tinatanggap sa industriya subalit hindi na rin ito gaanong lumalabas sa ilang mga pelikula dahil busy na rin si Roxanne sa kaniyang mga anak. Pero nananatili pa rin na glowing ang aktres at para bang hindi ito tumatanda sa kaniyang itsura dahil ang ganda pa rin ng hubog ng kaniyang katawan at young looking pa rin ang kaniyang itsura.



Image Courtesy: Instagram/Roxanneguinoo
Image Courtesy: Instagram/Roxanneguinoo

Talaga namang wala ng makahihigit pa sa ligaya na dala ng isang pamilya. Kaya naman, hindi nakakapagtaka na kahit sikat na mga artista ay kayang iwanan ang makinang na pangalan sa mundo ng showbiz at piliing makasama ang pamilya sa halos lahat ng pagkakataon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *