Sharon Cuneta, Nagpahinga Muna at Hindi Muna Magiging Aktibo sa Social Media Dahil sa Ganitong Dahilan!

Maugong ngayon sa social media ang pangalan ni Mega Star Sharon Cuneta at ng kaniyang panganay na anak na si KC Concepcion dahil sa isang issue tungkol sa pagbahagi ni Sharon ng kaniyang saloobin kay KC. Nag-umpisa ito nang mapansin ng marami na wala si KC sa ASAP birthday celebration ng kaniyang ina at sunod-sunod ring hindi nagpakita sa ilan pang okasyong pampamilya.




Image Courtesy: Instagram/reallysharoncuneta

Mas lalo pang naging matindi ang usap-usapan ng mga netizens dahil na rin sa mga post ni Sharon sa kaniyang Instagram account na nagpapahayag ng saloobin niya kay KC.

Image Courtesy: Instagram/reallysharoncuneta

“We are your family. That will never change. I will be here, like I told you, loving you unconditionally no matter what. But allow your Mama some tears when my heart cannot hold them in any longer. Come back to me, to us.”

Image Courtesy: Instagram/reallysharoncuneta

Hindi lang ito ang kapansin-pansin sa mga posts ng Mega Star dahil kamakailan lang ay nagpaalam din itong hindi na muna magiging aktibo sa kaniyang social media account at nai-kwento din ng bahagya ang patungkol sa naging problema niya na may kinalaman sa pera.

Image Courtesy: Instagram/reallysharoncuneta




Sa show nga nina Lolit Solis, Christy Fermin at Mr.Fu na ‘Take It Per Minute (Me Ganun) ay aksidenteng nabanggit ang pangalan ni Shawie nang pag-usapan ang kanilang blind item patungkol sa batikang aktres na nagpahiram ng kaniyang alahas sa isang malapit na tao.

Image Courtesy: Instagram/reallysharoncuneta

Ayon sa kanilang source, nagkakahalaga ito ng mahigit 20 milyon at hindi raw ito agad naibalik sa kaniya ng humiram ng pera. Ang nakakalungkot pa ay nalaman niyang naisanla na pala ito sa tinatawag na ‘loan shark’ at tapos na ang deadine para matubos. Kaya naman ganoon na lang ang pagkadismaya ni Sharon dahil kailangan niyang bilhin muli ang mga alahas sa pawnshop para mailapat sa kaniyang pangalan ang pagamamay-ari nito.

Ayon pa sa mga host ng nasabing programa ang taong nanghiram sa kaniya ng alahas ay hindi niya kaibigan at sobrang lapit sa kaniyang puso kaya naman naging haka-haka ng ilan na baka ito ay ang kaniyang anak na si KC Concepcion.

Image Courtesy: Instagram/reallysharoncuneta



My Mommy used to say: ‘You lose your money, you lose a lot. You lose your friends, you lose more. You lose your name, you lose everything. Now I add: “ If you lose your name over money, you’re worse. If you lose your name over the money of someone who loved, trusted, and protected you, you are the worst.” God, please help me to forgive. Such a betrayal,” dagdag pa ni Shawie.

Image Courtesy: Instagram/reallysharoncuneta

Sa kabila nito ay nanatiling tahimik si KC sa nasabing isyu at marami ang nagsasabi na hindi ito magagawa ng young actres dahil siya mismo ay nagmamay-ari din ng mamahaling alahas kagaya na lamang ng diamond watch na minana niya pa sa kaniyang lola. Ito ay ang Van Cleef at Arpels na nagkakahalaga ng umaabot sa $410,000 o PHP21,754,600. Mayroon din siyang negosyo na may kinalaman sa mga alahas.



Image Courtesy: Instagram/reallysharoncuneta

Image Courtesy: Instagram/reallysharoncuneta

Sa huli ay hangad ng kanilang mga fans na sana ay maayos ang anumang hindi pagkakaunawan sa pagitan ng mag-ina at umaasang makikita muli nila silang makasama sa mga TV shows o di kaya naman ay mga social media posts.



Leave a Reply

Your email address will not be published.