Paolo Ballesteros, Inamin Niya ang Tunay na Kasarian sa Kaniyang Anak Dahil Ayaw Niyang Magtago at i-Lihim Ito

Sa isang panayam ng Pep sa Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros, sinabi ng aktor na naiintindihan ng kaniyang anak na si Keria Claire na may iba itong kasarian.




Ayon rito, hindi naman nila pinag-usapan talaga ang tungkol sa kanyang kasarian lalo pa’t 10 years old pa lamang ang kaniyang anak, ngunit matalino umano itong bata at mukhang naiintindihan siya kahit pa hindi nila masinsinang pinag-uusapan ang tungkol sa ganitong issue ng kaniyang Ama.

Hindi kailanman naisip ni Paolo ang magtago dahil anak naman daw nito si Keira at sa sariling bahay naman niya siya nakatira. Sa murang edad ni Keira ay hindi niya kailangang idetalye pa ang kanyang pagiging “Gay” at sapat na muna na sila ay nagkakaintindihan sa kanilang mga galaw.




Ibinahagi ni Paolo na umamin siya sa kaniyang anak noong Agosto ng nakaraang taon upang mas maintindihan ng bata at ito maging hadlang sa kaniyang paglaki at pakikisalamuha sa ibang tao.

Magaling sa comedy ang host at aktor ngunit pagdating sa pagiging magulang kay Keira ay mahigpit at seryoso ito dahil nais niyang madisplina ng mabuti ang kaniyang anak dahil walang ibang magdidisplina dito kung hindi siya lamang.



Bilang Ama, kung hahayaan lamang nito ang anak ay hindi raw ito matututo kaya kailangan niyang gampanan ang parte niya sa pagpapalaki sa anak.

Sa kabutihang palad ay dito na sa Pilipinas muling nakatira si Keira at ang ina nito kaya mas nakakasama niya ang kaniyang anak. Noong 2016 ay sa Illinois sa may Estados Unidos pa nakatira ang mga ito ngunit ngayon ay sa Baguio na nanunuluyan ang mag-ina, kung saan nag-aaral rin doon si Keira at tuwing bakasyon ay nakakasama niya ito at naiuuwi sa kanyang bahay.





Madalas magkaroon ng bonding time ang mag-Ama lalo na kung walang taping at shooting si Paolo sa kaniyang trabaho. Kahit na ganito ang sitwasyon ni Paolo ay tila naiintindihan naman raw nito ng kaniyang anak dahil lumalaking mabuting bata si Keira.

Sa katunayan, may panahon pa nga raw na ginawan niya ng dress si Keira at siya naman isinuot ng dalaga at iminodelo para kay Paolo.

Gustong mag-artista umano ng bata at suportado ito ni Paolo ngunit ang kondisyon niya ay magtapos muna sana ito ng pag-aaral bago pumasok sa showbiz.

Sa ngayon ay hinahayaan niya itong mag-VTR at shoot nang kaunti tuwing bakasyon, sa katunayan ay nag-audition raw ito bilang batang ‘Narda’ kaya lamang ay may pagka-Inglesera ito kaya malabo na makuha nito ng role. Focus na muna sila muli sa pag-aaral habang bata pa ito at mahaba-haba pa ang lalakbayin subalit masaya naman si Paolo na very understanding si Keira sa kalagayan ng kaniyang Ama.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *