Instant Bahay at Trabaho ang Natanggap ng Lalaki Bilang Reward sa Napulot Niyang Wallet na Pagmamay-ari ng Isang Mayaman na Netizen

Ang tumira sa kalye ang isa sa pinakamahirap na pwedeng mangyari sa isang tao, kaya hindi na nakakagulat na marami ang gumagawa ng masasama para lamang makaraos sa kanilang pang-araw araw na buhay. Hindi madali ang mawalan ng maayos na tutulugan at lalong mas mahirap kalabanin ang kalam ng sikmura, gayunman ay may iilan pa rin ang nananatiling may mabuting kalooban kahit anong pagsubok man ang kanilang kaharapin.




Nagulat si Nitty Pongkriangyos, isang lalaki sa Thailand, nang makatanggap siya ng tawag mula sa awtoridad dahil hawak umano ng mga ito ang kanyang wallet. Pagdating roon ay nakita nito ang taong nakapulot sa kanyang mamahaling Hermés wallet na may laman na mahigit THB 20,000 ($580 o 30,000 thousand pesos).

Kinilala si Waralop nag lalaking nakapulot ng wallet na natutulog lamang sa tabi ng kalsada. Napuno ng admirasyon ang puso ni Nitty dahil sa kabutihang loob na ipinakita nito kahit na kung tutuusin ay nasa mahirap itong kalagayan.




Sa totoo lamang ay ni hindi raw nito napansin na nawala na pala ang kanyang wallet at kung siya ang nasa kalagayan ni Waralop ay baka itinago na lamang niya ang wallet.

Labis ang pasasalamat nito para kay Waralop at bilang gantimpala ay nagdesisyon itong hindi lamang ilibre ito ng pagkain o bigyan ng pera kundi handugan ito ng maayos na matutuluyan. Maliban sa apartment ay binigyan rin nila ito ng trabaho sa kanilang factory dahil ayon kay Nitty, ang pagiging matapat nito at mabuti ay ang eksaktong mga katangian na hinahanap nila sa kanilang mga empleyado.



Hindi lamang doon nagtapos ang gantimpala para kay Waralop dahil sinamahan pa ito mismo ng asawa ni Nitty upang bumili ng mga bagong kagamitan at damit na kakailanganin nito sa kanyang pagbabagong-buhay.

Ibinahagi rin ang istoryang ito sa social media at mula rito ay napag-alaman nilang mahigit isang taon na itong nagpapalaboy sa kalsada.





Tuwing gabi ay sa Huay Kwang MRT station ito nagtutungo upang matulog. Sa ngayon ay mas maayos na raw ang lagay nito at nakakakain ito nang maayos.

Hindi makapaniwala ang lalaki sa ibinigay na reward sakaniya kung sann madalas nitong itanong sa sarili kung nananaginip lamang ba ito dahil sa malaking biyayang dumating sa kanyang buhay. Maligayang-maligaya si Waralop sa kasalukuyan at nagpapasalamat ito sa mag-asawa dahil sa kabutihan na ipinagkaloob ng mga ito sa kanya.

Si Waralop ay isang mabuting halimbawa para sa iba at patunay na hindi dahilan ang kahirapan upang gumawa ng hindi maganda sa kapwa.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *