Mara Clara Goals! Judy Ann Santos at Gladys Reyes, Parehas na Nakapundar ng Sariling Negosyo sa Food Industry

Marami sa mga artista ang naglalaan ng kanilang pera sa mga negosyo at ilan sa kanila ay sa pagkain o food industry nagpupundar o nagiinvest dahil alam nilang malakas ang ganitong negosyo. Sadyang mahilig kumain ang mga pinoy kaya naman hindi na nakakagulat na marami sa kanila ang nagpo-pokus dito, halimbawa na lang ay ang mag-asawang Juday at Ryan Agoncillo pati na nina Gladys Reyes at Christopher Roxas.



Hindi na lingid sa kaalaman ng mga tao na ang beteranang aktres na si Judy Ann Santos-Agoncillo ay nahilig sa pagluluto, sa katunayan ay nag-aral pa ito sa Center for Asian Culinary Studies (CACS) sa ilalim ng turo ni Chef Gene Gonzales noong taong 2006. Sumunod naman sa yapak ni Juday ang kanyang kabiyak na si Ryan dahil kumuha rin ito ng kaparehong kurso at natapos nito iyon taong 2015. Nagbunga ang pag-aaral ng mag-asawa dahil buwan ng Mayo ng nakaraang taon ay nagbukas ang kanilang kauna-unahan restaurant sa may Taft Avenue sa Maynila na tinawag nilang Angrydobo. Mga pagkaing pinoy ang kanilang inihahain sa kanilang mga customers at ang pinaka-speciality sa lahat ay ang adobo na sariling recipe mismo ni Juday.

Image Courtesy: Instagram/officialjuday





Naging mainit ang pagtanggap ng mga tao rito at hindi nagtagal ay nagbukas sila ng kanilang pangalawang branch noong Disyembre ng kaparehong taon sa may Westgate Center, Alabang.

Image Courtesy: Instagram/officialjuday

Kwento ni Ryan, minsan silang nag-away mag-asawa ngunit kinailangan pa ring magluto ni Juday kaya kahit hindi nagpapansinan ay itinuloy nito ang pagluluto. Kinabukasan ay hinainan siya nito ng masarap na adobo na ginawa nito buong magdamag habang galit at doon nagmula ang pangalan ng kanilang resto na ‘Angrydobo’.

Image Courtesy: Instagram/officialjuday

Maliban sa nasabing restaurant ay mayroon rin silang pagmamay-ari na Italian restaurant na nagse-serve ng pizza, pasta at chicken, ito ang Pizza Telefono na ilang hakbang lamang mula sa kanilang 2nd branch sa may Alabang.



Sa kabilang banda naman, ang asawa ni Gladys Reyes na si Christopher Roxas ay graduate ng Culinary Arts sa may International School for Culinary Arts and Hotel Management (ISCAHM), kaya may alam ito sa restaurant at hotel business. Sa katunayan nga ay minsan nang nagtrabaho si Christopher sa isang Hotel sa France, kaya naman nahasa nang husto ang kaalaman nito tungkol sa ganitong klase ng negosyo. Taong 2018 nang buksan nila ang kanilang Filipino restaurant na tinawag nilang Estela sa may Cainta, Rizal.

Image Courtesy: Instagram/iamgladysreyes

Matapos ang dalawang taon, nitong ika-20 ng Pebrero lamang ay inilunsad naman nilang mag-asawa ang Sommereux, isang food catering business. Ang pangalan ng bago nilang negosyo ay alinsunod sa totoong apelyido ni Christopher na mula sa kanyang French na ama.

Image Courtesy: Instagram/iamgladysreyes

Ayon rito, medyo kinakabahan sila sa pinasok nila dahil baguhan pa lamang sila kung tutuusin, ngunit sa tulong at suporta ng kanilang mga kaibigan at kaanak ay mas nagkaroon sila ng lakas ng loob na ituloy ang kanilang matagal nang pinapangarap.


Image Courtesy: Instagram/officialjuday

Talaga namang Mara-Clara goals sina Glady at Juday dahil hindi mo aakalain na pati sa pagnenegosyo ay sabay silang sumasabak at nagtatayo ng kanilang sariling pangalan. Sa katunayan, madalas nilang suportahan ang isa’t isa kung saan makikita paminsan minsan na pinupuntahan ni Gladys ang negosyo ni Juday upang kumain doon at i-promote sa kaniyang Instagram account.

Image Courtesy: Instagram/iamgladysreyes




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *