Walang Pambili ng Tsinelas ang Batang Ito Subalit Nagawa pa Niyang Dalhan ng Saging ang Kaniyang Guro na Kinaantigan Naman ng Puso ng Marami

Hindi biro ang sakripisyo na ginagawa ng mga guro para maibahagi ang karunungan na kakailanganin ng mga kabataan sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. Ang ilan sa kanila ay araw-araw na tumatawid ng ilog at bundok para maturuan ang mga estudyante na nakatira sa mga liblib na lugar. Madalas ay kulang pa nga ang natatanggap nilang sahod mula sa gobyerno kumpara sa trabaho na kanilang ginagawa ngunit ganoon pa man ay patuloy pa rin sila sa pagtuturo dahil batid nilang kailangan sila ng bagong henerasyon.



Isa na nga sa mga gurong ito si Titser Ryan Jay Dueñas na nagtuturo sa isang paaralan na matatagpuan sa bulubundukin ng Saranggani. Sa tagal niya sa serbisyo ay marami ng kwento ng mga kabataan ang kaniyang nasaksihan at kabilang na dito ang estudyanteng si Manuel.

Madalas late sa klase ang batang ito dahil malayo ang paaralan sa kanilang bahay at kapag dumarating ay nahihiya ng pumasok lalo pa’t nakayapak lang din siya.

Ganoon pa man, patuloy pa rin siyang tinatanggap ni Titser Ryan sa kaniyang klase at araw-araw na natututo sa mga leksyon. Isang araw, mayroong kakaibang ginawa ang batang ito na talaga namang nakaantig sa puso ng guro.

“Pagkatapos ng Prelim exam at Pagbabasa, napansin kong hindi mapakali sa upuan si Manuel at tila ba mayroong kinukuha sa loob ng kaniyang bag”,pagkukwento ng guro.





Maya-maya pa ay inilabas na ng bata ang isang piling ng saging at agad iniabot sa kaniyang guro. Ayon kay Manuel, ito ang kaniyang paraan ng pagpapasalamat sa guro na walang sawang nagtuturo sa kanila.


Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Titser Ryan dahil batid niyang mas nangangailangan sa buhay si Manuel ngunit hindi ito nag-atubiling magbahagi ng isang bagay na mayroon siya. Bilang ganti ay agad siyang binilhan ng sapatos ng guro at maliban dito ay ibinahagi rin ang kaniyang kwento sa social media.




Naging daan ito para mas marami pang netizens ang makapansin sa kabutiang-loob ng bata at hindi nga nabigo ang guro dahil nabigyan si Manuel at ang kaniyang pamiya ng groceries at ilang pang pangunahing pangangailangan.

Tunay ngang mas nagiging masaya ang buhay kapag marunong tayong makipagkapwa-tao.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *