KC Concepcion, Nagbigay ng Helpful Advice sa mga Netizen na Mag-isa Lamang Ngayon Katulad Niya Habang may Community Quarantine

Simulo ng inanunsiyo ng mga Opisyales ang pagkakaroon ng Community Quarantine sa buong Metro Manila simula March 15 hanggang April 14, 2020 ay agad namang rumesponde ang mga tao na kasalukuyang nakatira sa siyudad. Halos lahat ng mga tao dito ay nagsi-uwian sa kani-kanilang mga probinsya bago pa man maabutan ng sinasabing quarantine.




Subalit may iilan sa ating mga kababayan na nanatili na lamang sa siyudad dahil na rin sa kanilang mga trabaho at sa kapakanan ng kanilang mga mahal sa buhay. Pinili nilang hindi na makipag sabayan umuwi sa kanilang mga probinsya at manatili na lamang upang mas hindi magkaroon ng tyansa na mahawa nila ang kanilang mga mahal sa buhay kung sakali man ay magpakita sila ng sintomas.

Isa na nga sa mga aktres na matapang na nanatili na lamang sa Maynila ay ang celebrity na si KC Concepcion.

Napag-alaman na kamakailan lamang ay dumalo si KC sa isang wedding event sa Boracay at nang makauwi ito sa siyudad ay doon na nagsimula ang sunod-sunod na kaso na nagpositibo sa Corona Virus.

Subalit hindi na umalis pa ang aktres at nanatili na lamang siya sa kaniyang Condominium. Sa kaniyang karanasan at opinyon tungkol rito ay ibinahagi ni KC ang kaniyang saloobin at advice sa ibang kagaya niyang kapwa tao na naiwan mag-isa sa Maynila ng walang kasama o kamag-anak.

“For now, gusto ko lang i-share na kung kayo ay katulad ko na mag-isa sa bahay at walang kasama sa bahay or hindi na nakatira sa parents niyo or single kayo, wala kayong asawa, at wala sa tabi niyo ang boyfriend niyo or wala kayong boyfriend or girlfriend… Ako din, mag-isa lang ako dito.” pagbabahagi ni KC.




Ayon sakaniya ay mag-isa lamang siya ngayon dahil sanay naman siyang tumira mag-isa magmula ng mag college ito. Kaya naman nagbigay ng helpful advice si KC sa mga netizens na mag-isa lamang sa panahon ng sakuna.

Subalit hindi nararamdaman ni KC na siya ay nag-iisa dahil andiyan ang kaniyang mga Tito at Tita na madalas siyang kamustahan via phone call at chat.

“Pero thank God talga na may mga video calls na ngayon, may text, diba? Atleast ngayon nalilibang ang mga sarili natin and may mga ways to entertain ourselves.” dagdag ng aktres.

“Home away from home. Nasanay na akong tumira mag-isa since 18 years old ako, since nag-college ako.”

“I know naman na maraming tao dito, who are like me, na napaka independiyente at nagawa naman. Pero siyempre, sa mga panahon katulad ngayon, na ganito. Kung okay rin mag-isa o kung hindi ba mas maganda may kasama para may nag-aalaga naman sayo at meron ka ring kausap.”


“I encourage those like me, who live alone, to take this time to, one, self-quarantine, so that you can just check ourselves for the next 14 days to see if clear kayo, if may nafee-feel kayo.”

Ayon sa doctor ni KC ay huwag na muna raw pumunta sa hospital lalo na kung kaya pa dahil 90 percent naman raw ng mga infected ay nakarecover. Subalit payo nito na siguraduhin na kumonsulta sa doctor kung mayroong nararamdaman na kakaibang mga sintomas.

“Take this time to just pray and think about life. What is life na ba ito? Maybe it’s good for us to think about what really matters in life.”



“Walang perfect, pero sana maipakita natin sa isa’t isa ang pagmamahal natin. My way of showing that I care is letting you guys know you’re not alone. Actually, gusto ko ngayon sabihin sa sarili ko, You’re not alone.”

Malaking bagay ang pagdadasal lalo na sa panahon ng sakuna na ito na kung saan apektado ang buong mundo. Kaya naman advice ni KC na take time to reflect and focus on yourself and make sure to pray na matapos na ang lahat ng ito at maging normal na ulit ang lahat.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *