Girl Power! Nakapagbawas ng Mahigit 20kg na Timbang ang Babaeng Ito at Naging Flight Attendant Matapos Iwanan ng Kaniyang Boyfriend

Maraming mga tao ang mapanghusga sa kanilang kapwa dahil nagiging pamantayan ang panlabas na kaanyuan at hindi ang mabuting pag-uugali. Ngunit walang tao na gugustuhin na pagtawanan at laitin sa kanilang pisikal na kaanyuan tulad na lamang sa kwento ng labin-dalawang taong gulang na babaeng ito kung saan kakapulutan ng inspirasyon lalo na sa mga taong kulang sa kalakasan ng loob sa pagpapayat at nawawalan ng pag-asa sa gustong makamit sa buhay.



Si Que Huong ay 20 anyos na babae na mula sa bansang Vietnam na kamakailan ay nagbahagi ng kaniyang weight loss story.

Pagbabahagi ng dalaga na napakalaki ng kaniyang katawan noon at napakabigat ng timbang nito kung saan siya ay overweight para sa kaniyang height. Nasa 75 kg o 165 lbs ito habang ang kaniyang height naman ay 63 centimeters o 5.3 feet lamang.

Ayon rito, dahil sa kaniyang pisikal na pangangatawan ay madalas itong pagtawan kahit saan man ito magpunta. Hinuhusgahan ang laki ng kaniyang pangangatawan gayon rin ang kaniyang itsura lalo na dahil sa kaniyang taas ay mas nagmumukha itong mataba sa paningin ng mga mapanghugsa na mga tao.



Ayon rin sa kaniya may mga panahon na kahit mismong sarili niya ay hindi nito kayang tumingin sa salamin. Binabalewala lamang niya kung ano ang itsura niya sa paningin ng iba subalit para sakaniya ay sobrang baba na ng tinign niya sakaniyang sarili.

Ngunit sa kabilang banda ay nagbago ang lahat ng simulang iwanan siya ng kaniyang boyfriend. Isang araw nakita nito ang dating kasintahan na kasama ang bagong babae sa kaniyang buhay at sa paningin ni Huong di hamak na mas maganda ang katawan at mukha ng babaeng ipinalit ng kaniyang boyfriend kumpara sa kaniya.

Sa ideyang pag-iwan ng dating nobyo at ipagpalit sa ibang babae ay siyang nagbigay daan sa kaniya upang magkaroon ng motibasyon sa pagpapayat.


Gayunman sa laki at bigat ng kaniyang timbang ay hindi ganun kadali na mapababa niya ito. Hindi lamang sa mahirap magpapayat ang kaniyang problema dahil kailangan rin nitong humiram ng pera para makakuha ng isang taong memebership sa isang gym.

Sinimulan na nitong baguhin ang kaniyang pamumuhay binawasan at naging strikto sa mga pagkain na kaniyang kinakain.

Makalipas ang ilang buwan naging maganda ang resulta nabawasan na ang mga calorie sa kaniyang katawan. Kaya naman mas tumindi pa ang pagpupursige nito kung saan kumakain lamang siya ng isda, gulay at ilang mga karne upang mapanatili ang hubog ng kaniyang katawan.



Sa lahat ng hirap na kaniyang pinag-daanan umani ang kaniyang paghihirap dahil nabawasan ng labing walong kilogram ang timbang na dating nasa pitumpu’t limang kilogramo na ngayon ay nasa 57 kg na lamang.

Pati na rin ang kaniyang pisikal na appearance ay nagbago din kung saan mas lalong gumanda ito at naging young looking.

Isa pang magandang nangyari dito ay pati ang kaniyang career ay nagsimula rin magbago dahil nagkaroon ito ng confidence na mag-aral ng english classes at naka-apply ito bilang isang Flight Attendant sa Jet Star.

Ngayon na nakamit na niya ang pagbabago sa kaniyang pisikal appearance at sa tagumpay ng buhay ay nagbahagi ito ng inspirasyon sa iba.

“The most important thing about this whole process is perhaps your reason and willingness to lose weight right from the start. It may be frustrating at first, but just keep on doing it and you will succeed.”

Nanghihinayang si Huong nang balikan niya ang mga luma niyang litrato kung sana noon pa lang ay ginagawa na niya raw sana ito kaagad at mas naging masaya pa ang kaniyang kabataan.

Ngunit ngayon ay labis na ang kaniyang kasiyahan sa nakamit sa buhay. Hindi nito akalain na isa na siyang flight attendant at nagpapasalamat na lang siya sa dating nobyo na nakapagbigay ng motibasyon sa kaniyang pagbutihin ang sarili.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *