Isang Lola ang Mano-Manong Tinahi ang Gown ng Kaniyang Apo Isang Araw Bago ang Prom Nito

Hindi matatawaran ang pagmamahal ng mga magulang sa kanilang anak ngunit ibang lebel rin ang pagmamahal ng mga lolo at lola sa kanilang mga apo dahil tila ba sila ang ating second parents na kung saan mas malambing at maalaga ang mga ito sa atin. Isang halimbawa na lamang ng isang Lola na ito na ipinakita ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang apo sa pamamagitan ng isang sakripisyo.



Si Arianne Marie Contreras ay isang Grade 10 student sa may Masbate National Comprehensive High School at nitong nakaraan nga lamang ay ginanap ang kanyang Prom.

Bago ang event ay namroblema si Arianne dahil ang gusto niya ay isang pasadyang gown ang kanyang isusuot sa gabing iyon na gagawin mismo ng kanyang Lola na si Jovita Ortega Baldeo. Subalit sa kasamaang palad ay nasira ang sewing machine ni Lola at hindi niya ito naitahi ng minimithing gown.




Gayunman, dahil ayaw ni Lola na walang susuotin ang kaniyang Apo ay nagdesisyon itong tahiin na lamang ang damit gamit lamang ang mga kamay nito isang araw bago ang nasabing Prom.

Dahil gipit ang matanda ay pinabili siya umano nito ng zippers at mga sinulid na kanilang gagamitin sa pagtatahi. Matagal nang mananahi si Lola Jovita at iyon lamang ang talagang pinagkakakitaan nito ng pera, ngunit dahil nga nasira ang makinang ginagamit nito ay wala na halos itong natatanggap na patahi.

Tinyaga ng butihing Lola ang gown ni Arianne at tumulong naman rin ito sa ibang maliliit na detalye hanggang sa natapos nila ang gintong gown na gawa sa silk na hango sa damit na isinuot ng international na modelong na si ‘Gigi Hadid’.


Maganda ang tabas at bagsak ng damit, walang mag-aakala na sa loob ng isang araw lamang na iyon ay natapos ni Lola at gown na gamit lamang ang kaniyang mga kamay sa pagtatahi.


Dalawang gown raw ang ginawa ni Lola Jovita para sa pinakamamahal nitong si Arianne ngunit ang ginto na gown ang pinaka-memorable sa lahat dahil sa laki ng effort na ibinuhos ng matanda para lamang mapasaya ang Apo.

Tinulungan rin siya umano nito sa kanyang ayos nang gabing iyon partikular na sa buhok at make up niya. Malaki ang pasasalamat ni Arianne sa kaniyang Lola hindi lamang para sa gabing iyon kundi dahil ito rin pala ang nagpalaki sa kanya mula pa noong sanggol pa lamang siya.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *