Kilalanin ang Panganay na Anak ni Aubrey Miles sa Dating Ex-partner na Isinikreto at Itinago Niya sa Publiko

Napakahirap nga naman talaga ang maging isang celebrity lalo na kung ang bawat galaw mo ay siyang binabantayan at minamatyagan ng bawat tao kung saan pati ang personal na buhay ng isang celebrity ay hinihimasok na rin ng media.




Kaya naman karamihan sa mga aktres at aktor ngayon ay nananatiling tahimik at hindi nagbabahagi ng kanilang mga personal na buhay sa mga social media accounts nila dahil nais nilang magkaroon din ng tahimik na lifestyle.

Katulad na lamang ng ginawa noon ng isang celebrity na si Aubrey Miles. Sumikat si Aubrey Miles noon dahil sa kaniyang mga pelikula at ilang mga proyekto sa industriya.

Subalit makalipas ang ilang taon ay nanahimik muna ang aktres at hindi na siya gaanong nakikita sa telebisyon. Sa likod pala ng dahilan na ito ay ang pagsilang niya sa kaniyang first baby na si John Maurie Obligacion.

Ibinahagi ni Aubrey na itinago niya sa publiko na nagkaroon siya ng anak sa dating ex-boyfriend na si JP Obligacion sa kadahilanan na ayaw nitong masira ang kaniyang career sa industriya.



Mahigit pitong taon niyang itinago at i-deny na nagkaroon sila ng anak ng kaniyang ex-partner dahil nais niyang magkaroon ng second chance sa showbiz kung saan ginagawa lamang raw niya ito para sa kanilang future at sa future ni John Maurie.

Subalit noong ito ay mainterview sa isang guesting, buong-buo na ang loob ni Aubrey na ibahagi at ikwento kung bakit niya itinago sa media ang kaniyang panganay na anak.

“I had to do it na ayoko mag-alaga lang ng anak. I had to do something for my life na kailangan kong pagtrabahuhan. Ayokong humingi sa nanay ko.” kwento ng aktres sa isang interview.

Humingi ng tawad si Aubrey sa publiko sa pag-deny sa mga tao tungkol sa alegasyon na ito noon subalit marami ang nakakaintindi sakaniya dahil hindi naman raw nito obligado na ikwento ang buong buhay sa publiko dahil personal life na ang ganitong klaseng bagay.

Sa kabila ng lahat ng kaniyang mga pinagdaanan, satisfied na ngayon ang aktres sa piling ng nobyo na si Troy Montero dahil na rin sa kanilang first baby na si Hunter Cody at sa bunsong babaeng anak nila na si Baby Rocket Miller.



Sa katunayan, tinangaap ni Troy ang nakaraan ng aktres pati na rin si John Maurie at itinuring niya ito na parang kaniyang tunay na anak kung saan todo suporta ito maging sa pag-aaral at achievements ni John Maurie.





Ngayon ay ninanais ni John na pumasok sa industriya ng Showbizness lalo na at malaki ang potential nito na sumikat dahil napakagwapo nito at manang mana sa ina.





Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *