Kakaibang Beach Wedding sa Siargao, Gumamit ng mga Tuyong Dahon, Bulaklak at mga Tuyong Kahoy Bilang Disenyo sa Kanilang Reception

Gaano ba ka-grande o ka-elegante ang gusto mong kasal? Ito ba ay napapaligiran ng mga preskong bulaklak at kumikinang na bagay o di kaya naman ay bonggang kasuotan? Ganito marahil ang gusto ng karamihan ngunit sa paglipas ng panahon ay parami na ng parami ang mga magkasintahan na nagdedesisyong gawing mas simple ngunit elegante pa rin ang dating ng kanilang kasal. Kagaya na lamang itong DIY (Do It Yourself) Wedding na ginanap sa Siargao noong nakaraang buwan ng Enero.



Nag-viral ang kakaibang wedding na ito na ginanap sa Siargao Island dahil imbes na mga fresh flowers ang kanilang ginamit para sa mga bulaklak ng mga bridesmaid at ng bride ay tuyong dahon ang kanilang napili.

Image Courtesy: Mark Carcedo Photography

Ang kanilang kasal ay mayroon itong temang “Bohemian” kung saan ang karaniwang kulay na makikita ay puti, brown, beige o di kaya naman ay gold. Mismong ang magkasintahan na sina Jonathan Iwayan at Airene Cabatanya ang nangolekta ng ilan sa mga gagamiting dekorasyon kagaya na lamang ng tuyong dahon ng niyog at mga bulaklak para sa kanilang kasal.




Image Courtesy: Mark Carcedo Photography

Image Courtesy: Mark Carcedo Photography

Ang kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan ay nagtulong-tulong din sa paggawa ng kawayang upuan na siyang ginamit sa handaan.

Samanta, sa halip na red carpet ay tradisyunal na “banig” ang ginamit ng magkasintahan sa kasal na ipinagdaos sa ilalim ng lilim ng mga puno ng niyog katabi ng overlooking view ng beach.

Image Courtesy: Mark Carcedo Photography



Pagdating naman sa handaan ay lokal na pagkain ang kanilang inihain sa mga bisita. Ang set-up ng kanilang buffet table ay parang pang-fiesta kung saan banana leaves ang kanilang ginamit para sa mga plato ng mga guests. Mayroon din pang Filipino food na tinapay na ‘pan de bisaya’, biko, shanghai at juice.

Image Courtesy: Mark Carcedo Photography

Hindi nga pangkaraniwan ang kanilang handa kaya naman lubos na namangha ang mga dumalo sa kanilang kasal at natuwa dahil nakatulong pa sila upang malinis ang lugar ng Siargao. Maging ang wedding cake nina Nathan at Airene ay kakaiba rin dahil kasama sa dekorasyon nito na ang ginamit ay mga tuyong bulaklak at ilang sanga lamang ng mga kahoy.

Image Courtesy: Mark Carcedo Photography

Maging ang kanilang wedding photoshoot ay ginanap lamang sa ilalim ng puno malapit sa beach habang hawak hawak ng mga entourage ang kanilang mga dried flowers na nagmukhang elegante dahil nababagay ito sa theme at kulay ng kanilang mga damit.

Image Courtesy: Mark Carcedo Photography



Image Courtesy: Mark Carcedo Photography
Image Courtesy: Mark Carcedo Photography

Talaga namang napakaraming paraan kung papaano natin magagawang simple ngunit elegante ang ating kasal kagaya na lamang ng eco-friendly wedding nina Nathan at Aireen.

Maraming netizens nga ang napa-wow sa ganda ng kinalabasan ng kanilang kasal dahil sino nga ba naman ang mag-aakala na ang mga tuyong sanga,bulaklak at dahon ng niyog ay maganda palang dekorasyon sa isang okasyon kagaya ng kasal.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *