“Wala Pong Kulang” Mahinahong Sagot ni Coleen Garcia sa Isang Netizen na Dumidikta na Magkaroon na Dapat Raw Ito ng Anak

Ang mga bata ay isang biyaya mula sa Diyos at nakakadagdag ito sa kasiyahan ng mag-asawa. Ganoon pa man hindi ito nangangahulugan na bawat mag-asawa ay kinakailangan nang magkaroon ng anak matapos nilang ikasal dahil mayroon tayong iba’t ibang pananaw at plano sa buhay na dapat sana ay nirerespeto din ng iba. Sa kasamaang palad hindi ganito ang nangyayari sa ating kultura at hindi man aminin ng ilan ay parang naging kagawian na ng karamihan sa atin na punain ang mga mag-asawang matagal ng kasal ngunit wala pa ring anak. Kadalasan sa mga ito ay ang mga kilalang personalidad sa ating lipunan kagaya ng mga artista.




Hindi nga nakaligtas sa bagay na ito ang aktres na si Coleen Garcia na mahigit dalawang taon ng kasal sa kaniyang asawa na si Billy Crawford, isa ring aktor. Ikinasal ang dalawa sa isang napakagandang lugar ng Balesin noong taong 2018. Matapos ang kasal ay nilibot nila ang iba’t ibang magagandang lugar sa loob at labas ng bansa at binansagan ngang #couplegoals ng mga netizens.

Image Courtesy: Instagram/coleen

Kitang-kita rin sa kanilang Instagram accounts kung gaano sila kasaya sa bagong yugto ng kanilang buhay at patuloy na ibinabahagi sa publiko na ang Panginoon ang sentro ng kanilang pagsasama. Kamakailan lang ay magkasama silang namasyal sa kilalang isla ng Boracay at hindi nga maitago ni Billy kung gaano siya kasaya at ka-swerte sa buhay na meron siya kasama ang asawang si Coleen.




Image Courtesy: Instagram/coleen

“Feeling the summer breeze with my wife on this beautiful island. What more can a man ask for?”, caption ng aktor sa larawan nila ng kaniyang asawa.

Image Courtesy: Instagram/coleen

Dahil dito ay hindi naiwasan ng isang netizen ang magkomento sa tanong ng aktor at tila ba lumagpas na sa kaniyang hangganan nang sabihing anak nalang ang kulang sa pagsasama nina Billy at Coleen.

“Anak nalang talaga ang kulang. Sana babae tapos kambal para twinning sila ni Ms.Coleen at make-up tutorials sa vlog!”,komento ng isang netizen.



Image Courtesy: Instagram/coleen

Nabasa ito ng aktres at agad na sinagot sa maayos at mahinahong paraan upang ma-klaro nito sa mga netizen na kuntento ito kung anong meron sakaniya ngayon.

“Wala pong kulang. Everything will happen in God’s perfect time not other’s,” sagot ni Coleen.

Sa huli ay agad na humingi ng paumanhin ang nasabing netizen at muli nitong pinasalamatan ang aktres sa pagpapaalala patungkol sa magandang plano ng Diyos sa ating buhay.

Image Courtesy: Instagram/coleen




Sa ngayon ay mukhang ine-enjoy pa lamang nina Coleen at Billy ang isa’t isa kaya at may tamang panahon para sakanila kung kailan nila gugustuhin mang magkaroon ng mga anak.

Image Courtesy: Instagram/coleen

Sadya ngang dakila ang plano ng Maykapal at walang sinuman ang may karapatan para ito ay hadlangan o di kaya naman at pangunahan. Kaya naman nawa’y nagsilbi itong leksyon para sa ilan na mahilig mamuna ng buhay ng ibang tao.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *