Inilabas ni Angel Locsin ang Kaniyang Saloobin sa Seller na Nag-Overpricing ng 1, 500 Pesos Para sa Facemasks!

Hindi na napigilan pa ng aktres na si Angel Locsin na ilabas kaniyang saloobin sa kaniyang naranasan na online fraud kamakailan lamang kaya naman minabuti niyang sagutin ang isang netizen na ito upang maipamukha sakaniya kung gaano ito ka-walang konsensya sa ginawa nito.



Bago pa man magkaroon ng cases ng Corona Virus dito sa ating bansa ay nagkaroon na ng shortage of facemask simula ng sumabog ang Bulkan ng Taal Volcano. Enero pa lang ay nagkaroon na ng kakulangan sa facemask lalo na sa Metro Manila dahil na rin sa mga taong nag-hoard ng mga ito at pninagkakitaan kung saan ibinenta ito sa mas mataas na presyo.






Matapos ang panahong ito, dumating ang balita na mayroon ng kaso ng Corona Virus sa Pilipinas kaya doon ulit nagsimulang nagkaroon ng panic buying ng Facemask at Alcohol sa ating bansa. Kaya naman ng ipatupad ang Community Quarantine ay nagmadali ang lahat na bumili ng kanilang mga kailangan kung saan isa na dito ang facemask, alcohol at mga disinfectants na kung tutuusin ay mas kinakailangan ng mga Frontline Health Workers dahil sila ang mas expose sa Virus.

Kaya naman ang aktres na si Angel Locsin ay naghahanap ng paraan o ng seller ng mga Facemask hindi para ibenta ito, kung hindi para ipamigay ito ng libre sa mga mas nangangailangan sa ating bansa. Sa kakahanap ng seller ay mayroon siyang natagpuan na nagbebenta nito subalit mayroong aberya na naganap.

Ang isang box ng facemask na nagkakahalaga lamang talaga ng 150-200 pesos sa Market noon ay tinaasan ng seller ibinebenta niya ito ng mahigit 1,500 pesos!


Hindi napigilan ng aktres ang magalit at mainis sa mga ganitong klase ng mga tao na pera pa rin ang habol kahit na ating mga kababayan na ang nakasalalay ang buhay.

Kaya naman inilabas ng aktres ang kaniyang sama ng loob sa isang tweet noong nakaraang Martes.

“Sa nagbebenta sa akin ng mask na nakalaan para sa mga frontliners natin for P 1, 500. MAKONSENSIYA HO KAYO.” saad ng aktres sa kaniyang twitter account.

Hindi na pinangalanan pa ni Angel Locsin kung sino ang taong ito subalit maraming netizens ang galit na galit dahil sa overpricing ng nagbebentang ito.



Sa ngayon ay patuloy na nagbibigay ng updates ang aktres sa kaniyang account at patuloy pa rin itong naghahanap sa mga netizens kung may kakilala silang nagbebenta ng mga basic need ng mga Frontliner Health Workers dahil nais niyang magbigay ng donasyon sa mga ito upang maprotektahan ang kanilang mga sarili.

Kilala si Angel Locsin bilang isa sa mga aktres na may mabubuting puso at laging tumutulong sa kapwa dahil na rin sa mga nakaraang sakuna na naranasan ng Pilipinas. Hindi man niya ibinabahagi ito sa Social Media, pero marami ang saksi sa kaniyang pagiging mapagbigay at matulungin lalo na sa mga kapwa niyang Pinoy na nangangailangan ng tulong.

GODBLESS YOU ANGEL!



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *