Pinay Nurse, Ibinahagi ang Totoong Karanasan sa Pagiging Frontliner Health Worker na Nakabilang na sa mga PUI Ngayon

Hirap na hirap ngayon ang mga kalagayan ng mga Frontliner Health Workers sa Pilipinas dahil sa kadahilanan na walang tigil ang mga nagpopositibo sa Corona Virus kung saan nagkakaroon na rin ng kakulangan sa Personal Protective Equipment na siyang kinakailangan nila upang magampanan ang kanilang mga trabaho at serbisyo sa bayan ng hindi sila nahahawaan.



Kahit gaano pa man ka-ingat ang ating mga Health Workers ay hindi pa rin maiiwasan ang ma-expose sila sa Virus.

Katulad na lamang ng isang Pinay Nurse na ito na ibinahagi ang kaniyang hirap na dinanas sa pagiging health worker at kung saan nauwi lamang siya sa pagiging isang Person Under Investigation.

Sa kaniyang Facebook post, ikinwento nito ang nangyayari sa mga health workers na tulad niya at kung ano ang karanansan nila ng mga frontliners na mas mataas ang tyansang mahawaan ng virus.



“We’ve been living inside the hospital for weeks caring for our patients. We are all tired, exhausted and overwhelmed but can’t go home because we are all scared that we might bring the virus with us to our vulnerable families at home…”

Lahat tayo ay hindi prepared sa ganitong sitwasyon maging ang ating mga health workers lalo na at hindi natin alam ang ating tunay na kalaban. Pagbabahagi nito, bukod sa pagod at takot para sa kanilang sarili ay mas dumadagdag ang kanilang anxiety dahil posible pa raw nilang mauwi ang virus sa kanilang mga pamilya na ayaw na ayaw nilang mangyari kaya mas lalong dumadagag ang bigat ng kanilang damdamin.

“But these past few days were different, I became the PUI. So I need to wait until my quarantine is over and hoepfully, no severe signs and symptoms will come out. After this phase, I will go back to the battlefield and continue to serve…”

Naging isa sa PUI si Sheen kaya kinailangan niya munang mag self-quarantine upang maitala kung siya ba ay may magpopositibo sa virus.


“This is just one of the risks that we are facing everyday as frontliners. We may be unappreciated, uncompensated, called as ‘room nurses’, ‘katulong ng mga doctor’. But we still stand committed to our pledge. We work not because we are paid to do so, but because we are healthcare providers and we are all instruments of healing.” huling pagbabahagi nito.



Ang pagbabahagi ni Sheen sa mga netizens ay isang eye-opener lalo na sa mga taong walang alam kung hindi magreklamo at mangbash ng kanilang mga kapwa.

Ito ang totoong buhay na nangyayari at nararanasan ng bawat medical providers at frontliners sa ipinatupad na Community Quarantine. Nawa’y marami ang makabasa nito at ipagdasal ang ating mga kababayan na sumusugod sa laban ng ating bansa.

Hindi na pera ang pinag uusapan ngayon, kapakanan na ng bawat tao. Maging understanding po tayo at sumunod na lamang kung maaari ay huwag ng lumabas kung hindi naman kinakailangan. This is a battle we are all facing right now. Let’s pray po.