Isang Rider ng Food Panda, Nag-Iwan ng Pagkain Para sa Isang Lalaki na Nakatira Lamang sa Kalsada

Saan mang panig ng mundo ay may matatagpuang mga taong walang tirahan at natutulog lamang sa mga kalsada. Para sa mga ordinaryong tao na mas nakakaluwag sa buhay ay hindi na pambihira ang basta-basta na lamang silang ipagsawalang-bahala na tila normal na lang ang presensya ng mga ito sa araw-araw nilang buhay. Madalang na ang may makapansin sa mga ito at ang may mag-abalang huminto upang mag-abot man lang ng kaunting tulong sa mga ito.



Gayunman, may iilan pa ring mga maituturing na anghel sa lupa ang gumagawa ng mabuti na walang hinihinging kapalit.

Ang bansang Malaysia ay hindi nalalayo ang sitwasyon sa Pilipinas dahil marami ring mga tao ang walang tirahan doon lalo na sa lungsod kagaya ng Kuala Lumpur, ang kapital mismo ng nasabing bansa.





Isang post mula sa Facebook page na We Are Malaysians ang nag-trending kumakailan dahil sa kabutihang loob na ipinamalas ng isang rider ng Foodpanda, isang itong App kung saan pwedeng umorder ng pagkain ang mga customer through online at saka ito ihahatid ng mga riders sakay ng kanilang kanya-kanyang motor papunta sa bahay mismo ng umorder.

Ang nasabing rider sa post ay nakuhaan ng litrato habang inilalapag nito ang nakasupot na pagkain sa tabi ng isang lalaking nakahiga at natutulog sa gilid ng kalsada.

Hindi pa nakikilala ang mabait na rider at hindi rin tiyak kung ano ang buong istorya sa likod ng pangyayari. Hula ng ilan ay baka may customer na umorder at nagbayad upang ipamigay ng rider ang pagkain sa mga walang tirahan na panigurado ay kumakalam na rin ang mga sikmura.



Mayroon rin ibang nakaisip na baka nakuha na ng rider ang pagkain na inorder ng isang customer pagkatapos ay kinansela ito, ngunit imbes na masayang ay maaaring naisipan nitong ipamigay na lamang iyon sa mas nangangailangan.


Ano man ang dahilan kung bakit iyon ginawa ng rider ay hindi na gaanong importante dahil ang mahalaga’y nakatulong ito sa kaniyang kapwa.

Ang post na ito ay umabot na sa mahigit 500 shares at umulan ng papuri para sa good samaritan na ito mula sa mga netizens na nakabasa ng kwentong ito. Komento ng mga tao ay dapat maging pangkaraniwan ang ganitong gawain nang sa gayon ay mas maraming mahihirap pa ang matulungan.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *