“It’s Okay to Swallow Your Pride for your Dreams” Payo ng Dating Teacher na Nagtrabaho Bilang Waiter sa Kuwait

Marami sa ating mga Pinoy na nakapag tapos ng pa-aaral subalit sa huli ay hindi nila nagagamit ang kanilang kursong pinag-aralan sa trabahong pinasok o papasukin sa hinaharap.



Isang kwentong ibinahagi sa Facebook ang nagpatunay na ang pagiging humble ay may magandang naidudulot sa buhay– ito ay ang kwento ni JM Papa, isang lisensyadong guro na naging waiter sa Kuwait.

Sa salaysay ni JM ay inamin nitong ikinasama ng kanyang loob ang trabahong kanyang pinasukan noong una dahil pakiramdam niya ay hindi iyon ang nararapat niyang trabaho dahil iba ang kanyang pinag-aralan. Pinaghirapan niyang maging isa guro sa Pilipinas at hindi niya gaanong matanggap na magiging isang waiter lamang ito sa ibang bansa.




Ngunit nang kalaunan ay kumita ito at nagawang makapagpatayo ng isang bahay para sa kanyang pamilya kaya naman napagtanto nito na kailangan talagang lunukin ang pride upang magtagumpay sa buhay.

Graduate ng Secondary Education major in English sa De La Salle University-Dasmariñas si JM at noong ito ay nag-aaral pa ay isa itong scholar sa unibersidad nitong pinapasukan at aktibo rin ito sa napakaraming aktibidad sa nasabing paaralan.

Marami ang naniwalang may magandang kinabukasan na naghihintay para rito ngunit taliwas sa inaasahan ng lahat, imbes na maging isang guro ay nauwi ito sa pagiging waiter sa isang kainan sa Middle East.

Madalas daw kwestyunin ng kanyang mga naging katrabaho ang desisyon na kanyang ginawa, gayunman hindi raw dapat maliitin ang pagiging waiter dahil kung tutuusin ay mas doble pa ang kinita niya kumpara sa sweldo ng mga guro dito sa ating bansa.



Dahil rito ay mas napabilis ang pagtupad niya sa kanyang pangarap hindi lamang para sa sarili niya ngunit higit sa lahat ay para sa pamilya niya.

Sa kabilang banda, inamin nito na nakababa ng kanyang tiwala sa sarili ang naging karanasan at dumating pa sa puntong ni hindi niya nais subukang mag-apply sa mas mataas at mas maayos na posisyon.





Sa tatlong taong iginugol niya sa pagtatrabaho bilang waiter ay ni hindi siya na-promote sa kabila ng kanyang magandang serbisyo.

Gayunman, pinilit nitong ibangon ang sarili at sinubukang mag-apply bilang Human Resource Coordinator sa isang prestihiyosong general trading and contruction company sa Kuwait at nakuha naman niya ang nasabing posisyon.

Ngayon ay unti-unti na niyang naibalik ang kanyang tiwala sa sarili at mas proud na ito sa kanyang mga naabot sa buhay.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *