Isang Estudyante sa Wuhan, Sobrang Ingat sa Pag-self Quarantine sa Kanilang Garahe Upang Hindi Mahawa ang Kaniyang Pamilya

Kabi-kabila ang balita ngayon tungkol sa COVID-19 at napakarami na ang nahawaan ng naturang sakit sa iba’t-ibang parte ng mundo. Isa nang dahilan kung bakit ito kumalat ng mabilis dahil may iilang mga pasyente na iniisip lamang ang kanilang sarili kung saan tuloy pa rin ang pakikipag halubilo nila sa iba at hindi nila alam na na-infect na nila ang kanilang mga nakasalamuha.



Subalit para sa isang 25 year old accounting student na ito, sobrang ma-ingat siya upang hindi mahawa ang iba dahil alam niya kung gaano ito kalala.

Ang estudyanteng ito ay mula sa isang unibersidad sa Wuhan kung saan mismo nagsimula ang pagkalat ng sakit. Kinilala siya bilang si Guo Yue.

Noong ika-22 ng Enero ay kinailangang bumalik ni Guo Yue sa kanyang pamilya sa Cangzhou mula Wuhan at dahil alam na nito ang tungkol sa outbreak ay ginawa nito ang lahat upang masiguro na hindi siya magiging sanhi ng pagkalat ng sakit sa ibang mga tao.



Ayon sa China Press, nagsuot ng gloves at surgical face mask si Guo Yue at sa buong durasyon ng kanyang byahe sa eroplano ay nilimitahan nito ang pakikipag-usap o ano mang physical contact sa iba.

Sinabihan rin umano nito ang ama na magdala ng alcohol upang ma-disinfect ang kanyang sarili at ang kanyang mga bagahe sa pagsundo nito sa kanya mula sa Airport. Pagdating naman sa kanilang bahay ay agad itong nag-self quarantine upang malaman kung siya ba ay carrier na na ng sakit.



Makalipas ang dalawang araw ay nabalitaan niyang nagpositibo sa COVID-19 ang isa niyang kaklase sa unibersidad kaya naman pumunta rin siya sa ospital upang magpasuri.

Positibo rin ang kanyang naging resulta at agad siyang ginamot sa ospital hanggang sa gumaling na siya at nakalabas mula roon noong ika-7 ng Pebrero.

Sa kabila ng lahat, natatakot pa rin si Guo Yue na baka hindi pa siya tuluyang magaling at ayaw nitong mahawaan ang mismong pamilya niya kaya nagdesisyon siyang ipagpatuloy ang pagse-self quarantine niya sa kanilang garahe ng kanilang bahay sa loob ng 14 na araw.





Tanging sa telepono lamang nakausap ni Guo Yue ang kanyang pamilya at ang pagkain niya ay iniabot ng kanyang mga magulang sa pamamagitan ng maliit na siwang sa pinto.

Nanatili ito roon ng dalawang linggo hanggang sa kampante na siya na maayos na ang lagay niya. Wala sa kanyang pamilya ang nahawaan ng virus kaya lahat ng ginawa nitong pag-iingat ay hindi nauwi sa wala.






Sa kabila ng kanyang pagsasakripisyo ay masaya si Guo Yue na maayos ang lagay ng mga mahal niya sa buhay at hindi ito nagsisisi na pinili niyang maging responsableng anak at mamamayan lalo na sa panahon ng krisis kagaya nito.