Lumuhod ang Lalaking ito sa Kaniyang Ama Bilang Pasasalamat sa Pagsuporta Nito sa Pag-Abot ng Kaniyang Pangarap

Ang mga magulang ang numero unong nag-aalala para sa kinabukasan ng kanilang mga anak, kaya naman gagawin ng mga ito ang lahat mapabuti lamang ang mga ito. Ang tagumpay ng kanilang mga anak ay maituturing na rin nilang tagumpay kaya nararapat lang na matuto ang lahat na lumingon sa pinaggalingan at magpasalamat sa mga taong tumulong sa kanilang pag-angat.




Isang perpektong halimbawa nito ang larawan kung saan makikita ang pagtanaw ng utang na loob at pasasalamat ng isang anak sa kanyang ama na nag-viral sa social media nitong mga nakaraan.

Ang nasabing litrato ay kuha sa Palu, Central Sulawesi, Indonesia kung saan makikita ang 19 anyos na si Mohamad Risky Saputra, isang trainee sa police training centre (SPN), na nakayuko sa paanan ng kanyang ama bilang pasasalamat niya sa lahat ng sakripisyo nito para sa kanila.

Ayon sa pahayag ng kaniyang Ina, matagal ng pangarap ng kanilang bunsong si Risky ang maging pulis kaya lamang ay hindi nila kayang tustusan ang mga pangangailangan nito dahil sa kahirapan.



Gayunman, ang sabi raw nito sa kanila ay basbas lamang nila ang hinihiling nito upang mapalagay ang loob nito na ituloy ang pagpupulis. Naniniwala rin umano ito na sa tulong ng kanilang basbas at ni Allah ay mas madali niyang malalampasan ang lahat ng pagsubok na kanyang haharapin.

Nagtitinda lamang ang ama ni Risky ng mga street foods sa may kalye at iyon lang ang pinagkukunan ng kanilang buong pamilya sa pang araw-araw, kaya naman talagang hindi sapat ang kinikita nito upang masuportahan rin siya.





Sa kabilang banda, nakapasa ito sa mga test at matagumpay na nakapasok upang magsanay na maging isang pulis, bagay na hindi inasahan ng kanyang ina ngunit nagbigay ng ibayong kaligayahan para sa kanilang mag-asawa. Magaganap ang police appointment ceremony ni Risky ngayong buwan ng Marso at ayon sa kanyang mga magulang ay dadalo ang mga ito gayak ng kanilang pinakamagandang damit.





Ang kwento ni Risky ay isang patunay na walang imposible sa taong may sipag at determinasyon. Ang mga magulang naman niya ay naipakita kung gaano kahanda sumuporta ang mga ito sa kabila ng lahat ng paghihirap at sakripisyo kung para sa ikaliligaya at ikabubuti nilang mga anak.