Isang Monghe, Nag-Ampon ng Mahigit 100 na Bata na Ulila at Palaboy sa Daan

Napakaraming mga bata sa buong mundo ang ulila na o mga inabandona ng sarili nilang mga magulang ang nangangailangan ng pag-aaruga at pagmamahal. Mayroong mga bahay ampunan na tumatanggap sa mga batang ito ngunit minsan ay hindi sapat ang mga ito sa dami ng mga batang nangangailangan ng matutuluyan.



Sa kabutihang palad ay mayroong mga taong may mabubuting puso ang laging handang tumulong sa mga kabataang higit na nangangailangan, kagaya na lamang ni Long Po. 

Image courtesy: postnet

Siya ay isang monghe o monk mula sa bansang Thailand at tila ginawang misyon na nito sa kanyang buhay ang sagipin ang mga batang inabandona ng kanilang mga magulang sa kalsada o kaya naman iyong mga naulila na.

Ayon sa ulat ng Sin Chew Daily, sa nakalipas na 20 taon ay mahigit 100 na ang bilang ng mga bata ang kinupkop ni Long Po at nabigyan ng matutuluyan, makakain, maisusuot at edukasyon. Ang pagmamagandang loob nito ay naibahagi sa Thai media at umani ito ng maraming papuri mula sa mga nakarinig o nakabasa sa kwento ng kabutihan nito.




Image courtesy: postnet

Isang 4-5 taong gulang na batang may sakit sa pag-iisip ang unang kinupkop ni Long Po, wala na itong ina o ama at sadyang napakahirap ng pamumuhay nito. Nakita niya umano ang kanyang sarili sa sitwasyon ng bata lalo na noong mga panahong siya ay maliit pa at naghihirap rin sa buhay. Sa pagbabalik tanaw ni Long Po ay naalala niya ang kanyang ina na walang ibang inatupag kundi ang mag-alaga sa kanilang magkakapatid at siguruhin na lahat sila ay makakapasok sa paaralan.

Image courtesy: postnet




Halos wala na itong panahon para dumayo sa mga templo at may mga pagkakataon rin kung saan kailangang paghatian nilang magkakapatid ang kanilang baon na iisang omelette sa eskwelahan. Alam na alam nito kung gaano kahirap ang buhay at iyon rin mismo ang nagtulak rito upang gawing misyon ang pagsagip ng mga bata para mabigyan ang mga ito ng tyansang magkaroon ng mas magandang kinabukasan.

Image courtesy: postnet



Sa kasalukuyan ay naninirahan si Long Po at ang mga bata sa isang templo na ipinagawa mismo ng kanyang ina. Nagmamay-ari ng mahigit-kumulang 8 akre ng lupa ang ina nito at binigyan siya nito ng 2.7 na akre ng lupa upang patayuan ng templo. Ang natirang lupa naman sa paligid ay ibinenta nito upang magamit ang pera bilang pondo sa pagpapatayo ng nasabing templo.

Sa mismong lugar na ito na lumaki ang mga naunang kinupkop ni Long Po at doon na rin sila nagka-isip at nag-aral. Mas maayos na ang lagay ng mga bata ngayon at patuloy na lumalaki ang mga ito kasama ang mga kapwa nilang bata na maituturing nilang kapamilya.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *