“Our Health is our most valuable investment”, Ito ang Healthy Lifestyle ni Andi Eigenmann Para sa Kaniyang mga Anak

Isa si Andi Eigenmann sa mga hands on celebrity moms na madalas magbahagi ng karanasan sa kaniyang social media account tungkol sa kaniyang positive lifetsyle na siyang nagiging inspiration ng kaniyang mga followers.



Kamakailan nga lamang ay ibinahagi niya sa kaniyang Instagram account ang kanilang healthy lifestyle lalo na ngayon na nagsisimula ng kumain ng solid food si Baby Lilo. Ang pagkakaroon raw kasi ng healthy body ay isa sa pinakaimportanteng bagay para sa kanilang pamilya dahil pinahahalagahan nila ang kanilang pangangatawan.

“Me and my family give utmost importance to our health and wellbeing, consider it our most valuable investment.”

“Specially in this time, we are glad to keep living our healthy lifestyle, and most of all, share this and inspire others to do the same.”



Kwento ni Andi, naiwan ang kaniyang anak na si Ellie kasama ang kaniyang Tatay sa siyudad habang siya ay nasa Siargao naman kasama ang kaniyang Baby Lilo at ang kaniyang partner. Pagbabahagi nito ibang-iba ang buhay sa siyudad kumpara sa buhay na mayroon siya ngayon sa isla. Subalit alam pa rin nito na nag-iingat siya laban sa Covid-19 kaya naman
inihahanda na niya ang kaniyang sarili sa posibleng mangyari.

Nagiging extra careful ang mga ito lalo na at mayroong mga matatanda at bata sa kanilang mga kapitbahay at sa kanilang lugar.

Kaya naman kasabay ng pag-iingat ay ang pagfocus nito sa kaniyang healthy lifestyle para sa kaniyang sarili at kay Baby Lilo.



“I developed a passion for all things nutrition and making wholesome and healthy recipes in order to help me overcome my body image/weight loss struggles… Making all these simple, nourishing meals for my family is just a big part of what makes me,me! And because quarantine has given me a lot of time in my hands, I’ll be sharing more of these with you guys as well!”, pagbabahagi ng aktres sa kaniyang post.

“Here is a simple potassium and fiber-filled breakfast: our fave avocado and egg toast. Good enough to fill our tummies and give us much needed energy to start the day. Lilo is also having some avocado and tomato slices.”



Isa sa pinaka na-eenjoy ni Andi sa isla ay ang mga organic fruits at vegatables na kaniyang napipitas lamang sa kanilang bakuran na alam niyang walang halong kemikal. Maging ang kaniyang Baby Lilo ay mahilig sa kalamunggay, kale at mango blend at smoothie.

Importante rin kay Andi ang paggising sa umaga upang makalanghap ng fresh air at ipasyal ang kaniyang anak sa tabing dagat upang makita ang sunrise. Para sakaniya, ang pagwitness ng sunrise ay isang healthy feeling para sa kaniyang katawan dahil mas nagiging prepared siya sa buong araw.

Sa ngayon na magkalayo sila ng kaniyang panganay na anak na si Ellie ay madalas niya itong naiisip sa kalagayan ng kaniyang anak dahil miss na miss na raw niya ito. Kaya naman para ma-distract ang kaniyang sarili ay nagfofocus na lamang muna ito sa kaniyang Baby Lilo at sa kanilang buhay sa Siargao.






“Elle and I are not supposed to be separated at this time. But due to unfortunate events, we have to be. I am craving for the day I get to be with you again. Out here on the island just like we should be.” caption ng aktres sa kaniyang post.

source: andieigengirl/instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published.