Big Thanks sa Taniman ng Gulay ni Neri Miranda, Marami ang Na-iinspire na Magtanim Lalo na Ngayong Community Quarantine

Isa si Neri Miranda na kilala bilang isa sa mga practical celebrity moms pagdating sa pagiging isang housewife sa kaniyang asawa na si Chito Miranda at pag-aalaga sa kaniyang anak na lalaki.




Sa katunayan, realidad ng buhay ang madalas na ibahagi ni Neri Miranda sa kaniyang mga Instagram post dahil nais niyang ma-inspire ang mga netizens sa pagiging praktikal at pagiging wais pagdating sa kabuhayan.


Sa simula pa lamang ng ng Community Quarantine ay ibinahagi na ni Neri Miranda ang kaniyang pinagka-abalahan na talaga namang naging helpful sa ilang mga netizens na walang sahod ngayong panahon na ito.






Hindi raw gaanong mahilig lumabas si Neri dahil mas hilig nitong maiwan lamang sa bahay at mag-gardening kasama ang kaniyang Mommy Lita kaya naman ang pagtatanim ang pinagka-abalahan ng mag-ina upang mas lumago ang kanilang garden at magkaroon ng iba’t ibang tanim na mga gulay.

Sa katunayan, naka-ani na ng ilang mga gulay si Neri kaya naman hindi na niya kinailangan pang makipagsabayan sa mga tao na namamalengke ngayong quarantine.





Ang kaniyang mga na-ano na mga gulay sa kanilang hardin ay mga okra, talong, kamatis, labanos, kamote, saging na saba at sili. Ayon rito, ang kaniyang mga na-harvest na gulay ay aabot pa ng ilang linggo kaya naman mas na-excite ito dahil nagsisimula na rin lumago ang kaniyang mga itinanim na mga pechay, repolyo at lettuce.

Isang tip kung paano napapalago ni Neri ang kaniyang mga gulay ay ibinababad niya sa tubig ang na-harvest na gulay upang magsimulang magkaroon ng tangkay roots para tumubo.





Pagkatapos na magkaroon ng roots ng kaniyang ibinabad sa tubig ay inililipat na niya ito sa isang sakot na may soil. Matapos nito ay bubutasan niya ang gillid nito at doon isusuksok ang mga tangkay nito. Subalit may iilang mga gulay na matagal lumago dahil aabutin ng anim na buwan ang ilan o higit pa habang may iilang mga gulay naman na mabilis tumubo.

Payo niya nga sa mga netizens na huwag basta itapon o sayangin ang mga gulay na nabili sa palengke dahil pwede pa itong itanim. Katulad na lamang ng talbos kangkong na mabilis tumubo kung saan aabutin lamang ng dalawang linggo basta palaging basa ang lupa o nadidiligan.

Tuwang tuwa ang mga netizens sa kaniyang pagiging praktikal mom lalo na at naiinspire ngayon ang ilan dahil sa pahirap na pahirap na ang paglabas at pagbili sa palengke dahil sa enhanced community quarantine.



Nawa’y maging inspirasyon sa inyo ang mga tips ni Neri at simulan niyo na ang pagtatanim dahil hindi natin alam kung hanggang kailan nga ba talaga ang quarantine na ito. Mas mabuti ng maging handa upang may ipapakain sa ating pamilya.

 

source: mrsnerimiranda/instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *