Iza Calzado, Ibinahagi Nito na Siya ay Fully Recovered na sa Covid19 Matapos ang Ilang Linggo

Isa sa ikinagulat ng mga netizens ay ang pagbabahagi ni Iza Calzado na siya ay nagpositibo sa Covid-19 noong nakaraang linggo ilang araw pagkatapos ng pagsisimula ng Community Quarantine.




Ikinabahala ng kaniyang mga fans ang kalagayan ng aktres matapos nitong ibahagi ang isang video kung saan makikita na siya ay nasa loob na ng ospital at kasalukuyang naka-admit dito. Sa kaniyang video post, ibinahagi ni Iza ang kaniyang karanasan sa pagkakaroon ng corona virus at kung gaano siya ka-saludo sa mga Frontliner Health Workers na depensa ng ating bansa sa panahon na ito.

Sa video na ito, nabahala ang mga netizens dahil tila ba hirap na hirap ito sa pagsasalita at para bang hinahabol nito ang kaniyang hininga at pinipigilan ang pag-ubo habang nagvivideo. Makikita na sobrang weak ng aktres kung saan kwento nito na hindi rin siya gaanong makatayo kahit man lang pumunta sa comfort room mag-isa.



Matapos ang pinakamalalang linggo na ito para kay Iza, muli niyang ibinahagi sa isang Instagram post ang kaniyang pagbabalik matapos maka-recover sa Covid-19.

Sa Instagram post ng aktres, ibinahagi nito ang kaniyang karanasan at saloobin tungkol sa isang post nito na pinag-usapan ng karamihan bago siya mag positibo sa aktres dahil sa isang post nito na pinarangalan siyang ‘priveleged’ ng mga netizens dahil sa inakala ng mga ito na minaliit ng aktres ang taong mahihirap.





Kaya naman bago niya ibahagi ang kaniyang karanasan sa pagkakaroon ng virus, humingi muna ito ng tawad sa kaniyang post noon at hindi raw nito intensyon na maliitin ang mga mahihirap.

“When I starter getting sick, I made a comment on an IG post that was totally misconstrued, I understand how and why that happened and I am sorry if anyrone was offended and felt bad about it. Please know that I would never intentionally say anything to hurt others nor celebrate anyone else’s suffering.”

Matapos raw ang dalawang linggo sa pagkakaroon ng corona virus at pneumonia ay malakas na ngayon ang aktres at laking pasasalamat niya sa mga taong nagdasal at nag-alaga sakaniya.

“After 2 weeks of battling Covid 19, pneumonia and a nasty bacteria called Acinetobacter Baumannii, I am alive and for that I am truly grateful. I know that so many of you sent your love and support and I want to express my heartfelt gratitude to all of you.”



Maraming netizens ang natuwa sa pagrecover ni Iza kaya naman sobrang grateful nito dahil nabigyan siya ng isa pang buhay ng Panginoon.

“Please know that even if I didn’t get to read all the messages, I felt the love and good energy and that you helped me pull through one of the darkest moments of my life… I wish to thank all the frontliners especially my doctors and nurses in Asian Hospital for going above and beyond to make sure I live, breathe and have another shot at life.”

Godbless Iza! We pray for your full recovery!



source: missizacalzado/instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *