Sarah at Matteo Guidicelli, Simpleng nag-Celebrate ng Easter Sunday Habang Nagpapaint ng Kanilang mga Easter Eggs

Matapos ang kontrobersiyal na kasalan nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ay masaya na ang dalawa na lumalabas habang magkahawak ang kamay na tila ba parang nagkaroon sila ng kanilang freedom na maging open sa publiko.




Kasalukuyan na rin silang magkasama sa kanilang bahay at unti-unting bumubuo ng kanilang sariling routines at tradisyon bilang mag-asawa.

Kaya naman para sa celebrasyon ng Easter Sunday, kasama nina Matteo at Sarah ang kanilang in-laws sa side ni Matteo na nagcelebrate ng Easter Sunday ng Holy week.






Ibinahgi ng Ina ni Matteo na si Glenna Guidicelli sa kaniyang Instagram post ang kanilang ganap sa araw ng Easter Sunday kung saan masayang nag-paint ng Easter eggs ang mag-asawa kasama ang mga kapatid ni Matteo. Nagkaroon rin sila ng maliit na salo-salo kinatanghalian kasama ang pamilya ni Matteo.



“Happy Easter Everyone, Family is everything. God speed”, caption ng kaniyang Ina.




Dahil sa quarantine ay nasa bahay lamang sila nag celebrate ng Easter kung saan makikita na simple lamang ang kanilang mga suot. Tila naka pambahay lamang ang dalawa habang nagpapaint ng kanilang mga easter eggs. Subalit makikita sa kanilang mga itsura ang saya na magkasama sila sa araw na ito.

Sa katunayan, sobrang saya ni Matteo ng ipinagdiwang niya ang kaniyang kaarawan noong March 26 sa kanilang tahanan kasama ang kaniyang asawa. Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ni Matteo ang kanilang litrato ni Sarah kung saan hawak hawak ng aktres ang isang cake para sa kaniyang asawa na si Matteo.



“First birthday with you as your husband and I will forever cherish every single day with you. These days has reminded me of how precious life really is. Family, friends loved ones and everyone out there, thank you very much for the greetings! God bless us all. Stay safe everyone.

Gaya ng iba ay nanatili lamang sila sa kanilang tahanan dahil sa ipinatupad na Community Quarantine subalit masaya ang dalawa dahil nakakapag bonding sila lalo na ngayon na free ang kanilang mga schedules.

Tila ba dream come true ang kanilang pagsasama dahil ilang taon rin tiniis ng dalawa bago sila tuluyang magkasama dahil sa hindi sang-ayon ang pamilya ni Sarah kay Matteo. Subalit dahil sa kanilang strong and deep love para sa isa’t isa, kinaya nila ang lahat ng hirap at proseso para lamang makasama ang isa’t isa.



source: glfguidicelli/instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published.