Kilalanin ang Napakagandang Mayora ng San Manuel Tarlac City na Sikat Dahil sa Kaniyang Kagandahan at Naitulong sa Kaniyang Bayan

Sa kasalukuyan ay may krisis na kinakaharap ang buong bansa dala ng COVID-19 kaya naman napilitan ang Presidenteng Rodrigo Roa Duterte na ipatupad ang enhanced community quarantine sa buong isla ng Luzon.



Dahil rito ay nasaksihan ng mga tao kung gaano kahusay ang kanilang kanya-kanyang lokal na pamahalaan sa pagresponde sa nasabing krisis. May ilang mga opisyal ang nabatikos ng mga tao dahil sa kakulangan ng tamang aksyon sa mga nangyayari ngunit mayroon rin namang mga nangibabaw dahil sa kanilang epektibong pamamahala sa kanilang mga nasasakupan kagaya na lamang ng alkalde ng lungsod ng Maynila na si Isko “Yorme” Moreno Domagoso at alkalde ng lungsod ng Pasig na si Vico Sotto.

Maliban sa dalawang nabanggit ay napansin rin sa social media ang 28 anyos na mayora ng San Manuel Tarlac na si Donya Tenoso dahil sa maayos nitong pamamalakad at taglay na kagandahan.





Sa Facebook page na “Go Tarlac” ay ibinahagi ng mga netizens ang litrato ng kanilang mayor habang personal itong tumutulong sa pagre-repack ng mga relief goods na kanilang ipamamahagi para sa kanyang mga nasasakupan. Ayon sa mga ito ay hindi lamang maganda ang batang mayor kundi mayroon rin itong nagagawa para sa mga tao.





Maliban sa pagiging epektibong leader ay kapansin-pansin rin na mainam itong magdala ng damit at natural itong kaakit-akit, sa katunayan ay kabilang ito sa mga tinaguriang “Millenial Mayors” ng panahon ngayon kagaya ni Mayor Vico Sotto.

Nagtapos ng kolehiyo si Mayor Donya Tenoso sa kursong Communications sa may Miriam College at pagkatapos ay kumuha naman ito ng Master’s degree in Public Administration sa Ateneo de Manila University. Ang ama nitong si Benjamin “Bening” Tesoro ay ang dating alkalde ng San Manuel Tarlac at bago siya pumalit sa ama bilang Mayor ay nagsilbi muna siya bilang councilor at bise alkalde ng kanilang lugar.



Ngayong siya na ang nakaupo sa pwestong binakante ng kanyang ama ay ito naman ang nagsisilbing bise alkalde ng kanyang administrasyon. Si Mayor Donya ay isang halimbawa ng mga babaeng tinatawag na “beauty and brains” at isa rin itong patunay na hindi nakabase sa edad ang pagiging maayos na pinuno.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *